Chapter 5

604 38 17
                                    


[] Sua Asher Figueroa

Naging maayos naman ang samahan namin ni Carter lumipas ang dalawang taon. Ang asaran at sagutan namin ay naging normal na sa aming dalawa. Minsan napapangiti na lang ako sa kawalan sa tuwing naalala ko ang mga pinaggagawa namin.

Siguro dahil mas lumalim lang ang pagtingin ko sa kanya. Ang simpleng paghanga lang ay napalitan ng isang malalim na damdamin. Sa loob ng dalawang taon masasabi kong mahal ko na nga siya. Mahal ko si Prinsipe Carter.

Pero kontento naman ako sa anong meron kami.

"Sua! Ang tagal mo namang magbihis! Halika na kasi. Ang tagal! Kupad kupad!" Naiirita na niyang ani sa akin habang naghihintay sa labas ng aking silid. Biruin mo isang prinsipe ay pinaghintay ko nang matagal. Envy me haha. Kidding.

"Oo na! Eto naman sandali lang kasi!" Sagot ko dito. Tumingin muna ako ng isang beses sa harap ng salamin at tingnan ang sarili ko kung maayos na ba ako. Kung maganda na ba ako. Char lang.

Lumabas na ako ng aking silid at bumungad sa akin ang mukha ni Carter na nakabusangot. I smiled at him teasingly. Masaya ako lumapit dito at saka sinakop ang mukha niyang nakabusangot.

"Ayan. Tapos na po ako kamahalan. Happy?" Sabi ko dito sabay kurot ng kanyang mag kaliwang pisngi. Sarap kasing asarin eh masyadong mainit iyong ulo.

"Tsk! Tara na nga!" Iritado niyang ani sabay hila sa kamay ko palabas ng palasyo.

Lumaki naman iyong ngiti ko nang makita ko ang maraga niyang sasakyan. Sus!

"You want me to drive you?" Inosente kong ani ko sa kanya habang may malaking ngiti na nakatingin sa kanyang bagong bili niyang sasakyan. Ewan ko kung anong gayuma ang pinainom niya sa mahal na Reyna at pinayagan siyang bumili nito.

"Sua. I still want to live kaya let me drive. You don't know such a thing like driving." Ani niya sa akin. Wow! Edi siya na magaling sa lahat ng bagay. Malay ko bang lahat ng ginagawa ko sa kanya ay puro palpak.

Magaling lang naman kasi ako sa taguan ng feelings eh. Hays!

"Hoy! I know how to drive okay? Hindi nga lang sasakyan." Malukong kong ani sa kanya. Lumingon naman sa akin si Carter na puno nang pagtataka ang mukha.

"Like what?" Tanong niya.

Binilatan ko siya. "In bed of course." Ani ko at mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan niya. Tawang tawa ako sa loob ng makita ko kung paano namula ang mukha ni Carter sa sobrang inis.

What?

Binibiro ko lang naman siya ah. There's nothing wrong naman sa sinabi ko. I'm still innocent and a virgin after all.

Padabog na pumasok si Carter sa driver seat at magkadikit ang kilay niyang tumingin sa akin. I gulped. Mukhang hindi yata niya nagustuhan ang biro ko.

"Don't do that again Sua. Hindi nakakatuwa ang ganung biro. And most of all don't say that to anyone else." Seryosong sabi niya sa akin.

"Oo na. Sorry." I said and pouted.

Carter smiled at me at saka ginulo ang buhok ko.

"Let's go. Put your seatbelt on." Utos niya sa akin na siyang sinunod ko naman.

Abala ako sa pagtitingin sa mga gusali na nadadaanan namin. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin sa pumasok sa aking isipan na baka gusto lang ako idate ni Carter. Asa!

Omegaverse Series 3: Let me go, AlphaWhere stories live. Discover now