Chapter 10

286 15 5
                                    


[] Sua Asher Figueroa


"Goodnight," turan ko kay Carter.

Matapos ang date namin ay hinatid niya ako dito sa tapat ng aking silid. We were staring at each other's face habang may ngiti sa aming mga malabi. Carter is staring at me right straight through my eyes para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi kaya tumango na lang ako.

Akmang papasok na sana ako sa aking silid pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. Lumingon ako kay Carter ng may pagtataka.

"Carter, bakit?"

"Thank you for today. I enjoyed your company as always," ani niya. Napangiti naman ako knowing that he enjoyed being with me.

"It's my pleasure, Your Highness."

"Let's do this again, someday."

Tumango ako. "Oo ba. Hanggat walang magagalit sa akin baka ako na naman ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay," sabi ko.

Carter chuckled.

"It will never happen again," turan niya.

"Sige, goodnight Carter."

"Goodnight, Sua," he said. Nanlaki naman ang mata ko sa sunod niyang ginawa. He leaned closer and kissed my cheek. "See you tomorrow," he added bago tumalikod at umalis na.

Mabilis kong sinarado ang pintuan at saka ako napansdal. Hawak hawak ko ngayon ang aking pisngi habang tulala pa rin dahil sa nangyari. When I recovered from what happened ay mabilis akong tumakbo patungo sa aking higaan.

Dumapa ako at saka sumigaw. The sheet muffled by voice kaya hindi masyadong malakas ang pag sigaw ko. Tumihaya ko ng may malaking ngiti sa aking mga labi.

"Oh my God!" ang tanging sambit ko.

Mabilis kong kinuha ang aking cellphone and dialed Charles number. He needs to know this. I need to share this with someone dahil baka sasabog ako kapag hindi ko ginawa.

After a few rings sinagot naman ni Charles ang tawag ko.

"Carter kissed me on the cheek!" agad kong turan when he answered my call. God! Mababaliw talaga kapag wala akong pinagsabihan ng ginawa ni Carter sa akin.

"Ah yes, I did?" patanong niyang ani.

"No! I said Carter kissed me on my cheek. Hinalikan niya ako sa pisngi, Charles!"

I heard the other line sighed.

"I'm not Charles and yes I did kiss you on the cheek, Sua," he said that made me confused.

"What?"

"It's me Carter and not Charles," he simply said.

"Ha?" ang tanging lumabas sa bibig ko. Mabilis kong inalis mula sa tenga ang aking cellphone at tingnan kung sino ang kausap ko and it's really not Charles.

It's Carter.

"So, you're now reporting to Charles what we've done?" seryosong niyang saad.

"N-no. It's no-"

"Go to sleep, Sua. Mag-uusap tayo bukas goodnight," he cut me off at saka pinatayan ako ng tawag.

Nakagat ko na lang ang labi ko dahil sa sobrang katangahan ko. Bakit hindi ko man lang tinignan ng maigi ang pangalan ng taong tinawagan ko.

Omegaverse Series 3: Let me go, AlphaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon