Chapter 1

1.2K 60 12
                                    


[] Sua Asher Figueroa


Sa murang edad nawala na sa akin lahat. I was just fourteen years old when I lost my mom. Namatay ito sa sakit sa puso. Iniwan din kami ng aking butihing ama at sumama sa iba. Hindi naman ako nagtanim ng galit sa aking Ama siguro dahil sa katotohanan na hindi si Ina ang taong nakatakda sa kanya.

Bunga lang kasi ng isang panandaliang sarap.

But I'm still grateful na hindi ako pinalaglag ng aking Ina kahit alam niyang pwede siyang iwan ng aking ama kung sakaling mahanap na nito ang para sa kanya.

Siguro ganun talaga ang buhay. Hindi pwedeng ipilit ang hindi pwede. Sabi ng aking Ina bago ito nawalan buhay kailangan kong humanap ng taong hindi ako iiwan. Na handang manatili sa akin kahit na anong mangyari.

Dahil ang kagaya naming mga Beta ay walang kasiguruhan kung magkakaroon ba kami ng mate. Rare lang ata sa amin ang nakatagpo ng para sa kanila.

I sighed at saka ako napatingin sa labas. Napangiti ako ng mapait when I saw the huge castle. Starting from now. I will be living inside that Castle. My new home.

Pagkababa ko ng sasakyan ay sinalubong kaagad ako ng Reyna.

Queen Raya Lincoln of North Coastal Country. Our beloved Queen.

Mabilis itong lumapit sa akin at saka ako niyakap ng mahigpit. I hugged her back. She's like a mother to me too dahil palagi itong bumisita kay Ina noong nakaratay ito sa higaan at hindi na makalakad pa.

"Masaya ako't nakarating ka dito ng ligtas, Sua." Nakangiti nitong ani sa akin. I smiled back at her.

"Opo, Mahal na Reyna." Ani ko dito.

"Oh! Pumasok na tayo sa loob para makapag pahinga kana. Alam kung malayo pa ang naging byahe mo." Ani nito sa akin at saka ako hinatid sa magiging silid.

Hindi ito ganun kalaki at hindi din ito maliit. Sakto lang talaga siya para sa akin. Wala din naman akong masyadong gamit na dinala.

"Sua. Nagustuhan mo ba ang magiging silid mo?" Tanong sa akin ng Reyna. Mabilis naman akong tumango dito.

"Opo. Maraming salamat po." Ani ko at saka yumukod.

The Queen giggled at tsaka ako nito hinila paupo sa magiging kama ko. "Alam mo Sua. Bago nawala ang iyong Ina ay nangako na ako sa kanya na aalagaan kita. Wag kang mailang sa akin okay?" Sabi nito habang hawak nito ang aking kamay ng mahigpit. Ngumiti naman ako. Masaya ako dahil sa kabila ng nangyari sa aking Ina ay may tao na naging mabuting kaibigan niya kahit wala na siya sa mundong ito.

But. I don't want to take advantage sa kabutihang ipinakita ng Reyna sa akin. Kailangan ko itong paghirapan.

"Pero mahal na Reyna. Hindi naman ito puwede na wala akong gagawin habang nandito ako sa inyo. Kahit ano po na trabaho ay gagawin ko." Ani ko dito ng nakayuko.

I hear her sighed. "Sua, It's alright. Ang manatili dito at alagaan ka ay sapat na sa akin."

"I insist po. Gusto ko pong magtrabaho kapalit ng lahat ng ito." Giit ko pa. Ayoko kasing dumating ang araw na pagsisihan ng Reyna ang pagkupkup niya sa akin. Pero alam ko namang hindi iyon dadating dahil sa kabutihang meron ito. But still, I want to work.

Muli ay napahinga naman ito ng malalim. "Alright. Since matigas ang ulo mo. I'll assign you to someone." Nakangiti nitong turan sa akin. "You'll be my son's Beta. He's name is Carter, do you know him right?" She added.

Omegaverse Series 3: Let me go, AlphaWhere stories live. Discover now