Chapter 9

620 49 13
                                    


Sua Asher Figueroa


Hindi ko talaga alam kung tama ba itong ginagawa ko. Nandito ako ngayon sa harap ng salamin suot ang damit na binigay sa akin ng mahal na Reyna noong nakaraang buwan. Hindi ko pa ito na isuot kahit isang beses dahil nahihiya ako at higit sa lahat mukhang mamahalin pa.

Pero ito ako ngayon sa harapan ng salamin nakatingin sa aking sarili. I'm wearing a pink shirt and a black pants. Nakasuot then ako ng bucket hat. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang porma ko. Siguro dahil sinabi ni Carter na magdedate kami.

Alam ko naman na hindi siya seryoso but I want to look presentable in front of him kahit isang beses lang. Makita niya naman may mas maibubuga din ako.

"Sua, hinihintay ka na ng mahal na Prinsipe sa baba." Ang sabi sa akin ni Nina. Nakita ko naman tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa. Na conscious tuloy ako.

"B-bakit? Panget ba?" Alinlangan kong tanong.

"Hindi, Sua. Ngayon lang kasi kita nakitang pumorma. Ang gwapo mo." Kinikilig na ani sa akin ni Nina. Kinilabutan tuloy ako sa sinabi niya.

"Ah haha ganun ba? S-salamat. Aalis na ako." Paalam ko dito.

Habang naglalakad ako sa hallway. Pakiramdam ko ito na yata ang pinakamahabang nilakad ko sa tanang buhay ko. Umaasa ako na huwag ng makarating kay Carter dahil nahihiya ako.

What if ginigood time lang pala ako nun?

Paano kung pagtawanan niya ang itsura ko ngayon?

Sasakalin ko talaga siya.

"C-carter." Tawag ko sa kanya ng makarating ako sa kanyang kinatatayuan. Nakatalikod kasi siya sa akin habang may kausap sa kanyang cellphone kaya kailangan ko pang kunin ang atensyon niya. Dahan dahan naman siyang humarap sa akin.

Pakiramdam ko tuloy ay nag slow motion ang lahat. At ako naman ay parang tanga na nakatingin kay Carter. Ang gwapo niya sa suot niya. Araw araw naman siyang gwapo sa paningin ko pero kasi dahil sa suot niyang mabahang coat ay mas lalo siyang naging gwapo sa paningin ko.

Tapos pareho pa kami ng kulay ng damit. He is wearing a pink turtleneck and a black coat. Narinig ko na lang na binaba ni Carter ang tawag at saka siya ngumiti sa akin.

Kainis. Hindi naman niya kailangan ngumiti ng ganyan sa akin.

"Mukha kang tao ngayon." Pang-aasar niya sa akin.

Napairap ako sa ere. Ayoko na ngang kiligin sa kanya. Pambihira. Nag effort pa naman ako ngayon sa mukha at sa suot ko tapos yan lang ang sasabihin niya.

"Babalik na lang ako sa loob. Idate mo mag-isa sarili mo." Nababanas kong turan at akmang babalik na sana ako sa loob ng kanya akong pinigilan.

"Oo na, ang cute mo sa suot ngayon. Magkamatch ang suot namin. We are like a couple." Carter said.

"T-tara na nga. Ang dami mong sinasabi." Ani ko at pinipigilan ko pa ang sarili na huwag ngumiti dahil sa kilig. Nilagpasan ko naman siya at saka pumasok na sa loob ng sasakyan niya.

I heard Carter chuckled before I closed the door. Umikot naman si Carter sa kabila at pumasok sa loob. He started the engine kasabay ng paglunok ko sa sarili kong laway.

"Let's go." Carter said.

Dinala ako ni Carter sa isang pangmayamang kainan. Masasabi ko na boring talaga ang date ng mga mayayaman. Mas gusto ko pa yung pumunta sa perya o di kaya kumain gilid gilid lang at maglakad lakad.

Omegaverse Series 3: Let me go, AlphaWhere stories live. Discover now