Chapter Thirty Four: Monay And Bakulaw

111K 2.4K 193
                                    

Chapter Thirty Four: Monay And Bakulaw

TYRON

I feel light and full of energy. Sa kabila ng kakulangan sa tulog nitong mga nakaraang araw ay maganda pa rin ang gising ko tuwing umaga.

"So don't act like it's a bad thing to fall in love with me. Cause you might f-- around and find your dreams come true with me..." Pakanta-kanta pa ako habang papasok ng ospital. Hindi ko maiwasang mapangiti habang sinasamyo ang bitbit na mga bulaklak.

"Spend all your time and your money just to find out that my love was free. So don't act like it's a bad thing to fall in love with me, me. It's not a bad thing to fall in love with me, me..."

"Good morning, sir!" Bati sa akin ng dalawang nurse na nakasalubong ko.

"Good morning, ladies," ganting bati ko and gave them my devastating smile.

"Di ba siya 'yung lover ni Doctor Mendoza?"

Napahinto ako sa pagliko ng hallway sa narinig. Ano daw?

"Totoo ba 'yung tungkol kay Doctor Mendoza? Baka tsismis lang iyan!"

"May nakakita kaya sa kanya na may kalampungan na lalaki sa kanyang opisina. At siya ang lalaking iyon."

"Ows, talaga? Pero wala naman sa itsura nila."

"Looks can be deceived. Kahit gaano pa sila kaguwapo may tinatago naman silang sekreto."

Kami ni Mark, maglover? Bago iyon sa pandinig ko. Ito ang unang pagkakataon na may nagduda sa aking pagkalalaki. At si Mark? Sa tagal ng pagkakakilala ko sa kanya, malabo na magkatotoo ang bintang sa kanya. Maaaring mailap at cold siya sa mga babae, but he had his own reason, na tanging siya lamang ang nakakaalam. 

Naabutan ko si Cyrhel na mahimbing na natutulog sa couch. Siya kasi ang nakatoka na magbantay kay Baby Ron-Ron buong magdamag. Maingat akong humakbang palapit sa kanya. Nakanganga pa siya habang naghihilik. 

"Huy, monay!" Tinapik-tapik ko siya sa pisngi ngunit tulog na tulog pa rin siya. Napangisi ako nang makaisip ng kalokohan. Unti-unti kong nilapit ang mukha sa kanya. Ngunit bago pa maglanding ang nguso ko sa kanyang pisngi, isang kamao ang pumigil sa akin.

"Subukan mo lang, bakulaw! Babasagin ko talaga 'yang nguso mo!"

Gising na pala si Cyrhel. Akala ko pa naman ay makakaisa ako sa kanya. 

"For the most beautiful girl in my eyes," nakangiting sabi ko sabay abot sa kanya ng biniling bulaklak.

Nakasimangot na bumangon si Cyrhel. Magulo ang buhok at may muta pa sa mga mata. "Makakain ko ba iyan? Almusal ang kailangan ko at hindi bulaklak."

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon