Chapter Twenty Five: You and I

90.4K 2.2K 208
                                    

Chapter Twenty Five: You and I

TYRON

Panay ang sulyap ko sa suot na relo at hindi mapakali sa aking kinauupuan. "Hindi pa ba matatapos itong meeting?" Pasimple kong bulong kay Adrian. Halos magdadalawang oras na ang board meeting at kanina pa ako naiinip.

"Sir, mag-i-speech pa raw si Chairman."

Napangiwi ako. Naman! Male-late ako nito sa lakad ko. Mas lalo lang tuloy madaragdagan ang kasalanan ko sa kanya. Pasimple kong inilabas ang cellphone sa bulsa at nagtext.

I'll be late. Sorry. Wait for me no matter what happen. 

Ise-send ko na sana ang text message nang umepal bigla si Vince.

"Huy! Ano yan?"

Pusang gala! Sa gulat ko ay nagkamali tuloy ako ng pindot. Waah! Na-wrong send ako. At kung minamalas, kay Kate ko pa naipadala.

"Sino ang ka-text mo?" Pakikiusyoso pa ng kaibigan. Mabilis kong ini-off ang cellphone at itinago iyon.

"Pakialam mo!"

"Ginaganyan mo na ako ngayon," may himig na pagtatampo sa tinig niya. "Kailan ka pa nagsikreto sa akin?"

Ngayon lang, gusto ko sanang sabihin. "Kailan ka pa naging interesado sa lovelife ko?" Me and my mouth.

"May lovelife ka? Hindi nga?" Tila nagulat pa si Vince sa nalaman at bahagya akong siniko sa tagiliran. Pagkatapos ay kinuha nito ang cellphone. "Kailangan malaman ito ng barkada. Let's call a celebra-"

Inagaw kong bigla ang phone niya. "Huwag muna. Baka mausog at mapurnada pa ang lovelife ko," pakikisakay ko sa trip ng kaibigan para lamang tumigil siya.

"Okay, I get your point. Now tell me, who's the lucky girl?"

"Excuse me, gentleman!" 

Naagaw ang atensyon namin ni Vince nang pukpukin ni Chairman ang mesa. Saka lang din namin namalayan na lahat ng tao sa board room ay sa aming dalawa nakatingin.

"This is not the place to chat about your personal matter. You're free to leave this room," magkasalubong ang mga kilay na sabi pa nito. 

"Sorry, dad." I said, trying to supressed a smile. Parang mga bata na bigla kaming natameme ni Vince. Ngunit sa ilalim ng mesa ay lihim kaming nagsisikuhan.

Nagpatuloy ang board meeting at inaabot pa ng isang oras bago iyon natapos. I swear, wala akong naintindihan at malamang ay ganun din si Vince. Wala kasi kaming ibang ginawa kundi mag-text sa isa't-isa. Doon na lamang pinagpatuloy ang mahaba-haba naming usapan at mga kalokohan.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon