Chapter Twenty Nine: Baby, You And I

92.4K 2K 118
                                    

Chapter Twenty Nine: Baby, You And I

TYRON

"It's lunchtime already. Why don't you take a break?" Bungad ni Dad nang pumasok ng opisina ko.

"I need to finish this before one," I said, habang patuloy na nakasubsob sa pinag-aaralang mga papeles. 

He chuckled. "Don't be too serious. Maraming tumatandang binata dahil dyan. It's one of the reason kung bakit hindi ko pa itini-turn over sayo ang pamamalakad ng kumpanya." 

Hindi ko napigilang tumawa. "Dad, hindi mangyayari iyon." 

"Ang alin?" Bahagyang umangat ang kilay niya. "Ang magseryoso o ang tumandang binata?"

"Both."

Humagalpak ng tawa si Dad sa pagkamangha ko. "Sabi ko na nga ba! I knew there is someone else. Hindi mo ire-reject si Kate kung wala kang ibang gusto."

Sa halip na sumagot ay ngumiti lang ako. 

"Was it excitement that I saw on your eyes?" He said teasing. "You're too obvious, son. You looked like a teenager na ngayon lang nagka-crush."

Naiiling na binalikan ko ang ginagawa. "Dad, nakakaistorbo ka na. Baka hindi ko matapos itong deadline ko." Knowing him, alam kong hindi niya ako titigilan hangga't wala siyang nakukuhang impormasyon mula sa akin. 

"O,siya! Hindi na kita aabalahin." Tumayo siya at tinungo ang pinto palabas. Ngunit huminto nang biglang may maalala. "Anyway, kailan mo siya balak ipakilala sa amin ng mommy mo?"

Tumaas ang sulok ng mga labi ko. "Soon, dad. Soon."

"Aasahan ko iyan!" He said. I couldn't explained the smile on his face. Pasipul-sipol pa siyang naglakad palayo. Nakasalubong niya si Adrian sa pintuan at nagtatakang sinundan siya ng tingin.

What's with him? Tila iyon ang pinahihiwatig ng kanyang mukha nang tumingin sa akin. Pagkatapos ay mayroon siyang inilapag na brown envelope sa mesa ko. "Pinabibigay ni Attorney Villanueva."

"Thanks." Agad kong dinampot ang envelope at binuksan. Hindi ko napigilang mapangiti. Birth certificate na lang ang kulang para tuluyan ko nang ma-finalize ang legality ni Baby Ron-Ron. So far, humingi ako ng tulong kay Mark upang mapadali ang pagrelease ng papeles ng bata. Ayaw pa nga niya akong tulungan noong una. Mag-usap daw muna kaming dalawa. May mga bagay daw na kailangan ko munang malaman. Kung anuman iyon, sigurado akong makapaghihintay naman. Ang mahalaga ay ma-process ko na ang mga papers ni baby bago ko pa masabi sa mga magulang ang tungkol sa kanya. Ang plano ko ay sa susunod na linggo. 

Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Pero hindi ako natatakot. Inaasahan ko na mabibigla sila sa malalaman, lalo na si Mommy. Magmula nang idispatya ko si Kate ay hindi na niya ako kinausap. Siguradong magagalit siya kapag nalaman niya ang tungkol kay Baby Ron-Ron. Ngunit alam ko na sa simula lang iyon, dahil hindi rin naman niya matitiis ang kanyang apo.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon