Chapter Thirty Three: He's There

88.6K 2.3K 203
                                    

A/N: To sushilovestory, Cyrhel and Kevin moment for the last time.

Chapter Thirty Three: He's There

CYRHEL

"Don't worry. He's gonna be alright." 

Sa kabila ng mga narinig ay hindi pa rin ako mapanatag. At kahit anong pilit ko na palakasin ang loob ay unti-unti akong kinakain ng takot at kaba sa aking dibdib. 

Mabuti na lamang at nariyan si Kevin. Kagagaling niya lang sa isang eye check-up nang mapadaan siya sa ER at hindi sinasadya na makita ako. Kung hindi dahil sa presensya niya, malamang ay mag-iiyak lang ako sa isang tabi. . 

Nang lumabas ang resulta ng blood examination ni Baby Ron-Ron ay parang gumuho ang paligid ko. Nasa stage three na ang kanyang dengue at kakailanganin niya ng blood transfusion. Agad kaming nag-volunteer ng binata na maging blood donor ngunit kinakailangan pa namin mag-undergo ng blood test kung magma-match sa dugo ng bata. Hindi pa rin pala kami sigurado.

"Kevin, paano kung..." I felt like cyring again. Ngunit mabilis akong kinabig ng binata at ikinulong sa kanyang mga bisig.

"I'm sure, isa sa atin ang may magma-match kay baby." I heard his throbbing heartbeat. Kinakabahan din siguro siya.

"Momo!" Bigla na lamang nagising si Baby Ron-Ron mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nang makita ako ay may ngiting sumilay sa kanyang mga labi. 

"Nagugutom ka na ba, baby? Gusto mong dumede?" Sa halip ay itinaas niya ang mga kamay sa akin at nagpapakarga. Maingat ko siyang binuhat at sinenyesan si Kevin na iabot ang feeding bottle niya sa bag. 

"Cyrhel!"

Sabay kaming napalingon ni Kevin. Sa wakas ay dumating din si Mark. Subalit hindi siya nag-iisa, kasama niya si Tyron. Bago pa makalapit sa amin si Mark ay sinalubong siya ng doktor na tumingin kay Baby Ron-Ron. Magkakakilala pala silang dalawa.

"Baby-" Mabilis kong inilayo ang bata kay Tyron bago pa siya makalapit sa amin. At nagulat siya sa inakto ko. Nagtangka ulit siyang lumapit ngunit muli lang ako lang akong umiwas.

"Cy?"

"Hindi ka namin kailangan ni baby!" Mariing sabi ko. Suddenly, umiral ang pagiging possessive ko. Siguro dahil ayoko ng magkaroon siya ng koneksyon sa bata at wala rin naman siyang maitutulong.

"Dodo!" Bigkas ni Baby Ron-Ron. Marahil ay narinig niya ang tinig ng binata.

"He's not your dodo anymore."

"Cy, please..." Pagsusumamo ni Tyron. Nang muli siyang magtangkang lumapit ay hinarang siya ni Kevin.

"Pre, huwag mo nang ipilit."

"Huwag kang makialam dito!" Nagpalitan ng masamang tingin ang dalawang lalaki at may namuong tensyon sa pagitan nila. 

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon