Chapter Seven: First Day Out

110K 2.3K 181
                                    

Chapter Seven: First Day Out

CYRHEL


"Cyrhel, get up!"

Umungol lang ako at ibinaon ang mukha sa unan. I'm too sleepy that I couldn't open my eyes. Napuyat ako sa pagpapatulog kay Baby Ron-Ron kagabi. "Go away!" Halos hindi maintindihan na sabi ko.

"Bumangon ka na dyan! Ipagluto mo ako ng almusal!" Utos ni Tyron.

"Bakit hindi na lang ikaw ang magluto? Ikaw naman ang kakain."

Hinila ako sa paa ng binata  at hinulog sa kama. Doon tuluyan nagising ang diwa ko. "Eto na po!" Napilitan akong bumangon sa kabila ng pananakit ng pang-upo. Kung wala lang akong atraso sa kanya, hinding-hindi ko siya susundin. Bakit ba kasi nakalimutan kong linisin ang mga nabasag na pigurin? Kung hindi sana ako nag-iwan ng ebidensya ay hindi naman niya malalaman. Mabuti na lang din at hindi pa napapansin ng binata na nagkulang ang mangkok at baso niya.

Parang zombie na naglakad ako patungo sa kusina. Magulo ang buhok, ni hindi man lang ako nag-abalang maghihimalos o magmumumog man lang. But who cares? Si Tyron lang naman ang makakakita sa akin. Dedma naman siya sa kagandahan ko.

Binuksan ko ang ref upang isara ulit nang maalala kong wala palang laman iyon. Tinungo ko ang pantry, naalala ko na mayroon akong natuklasan na ilang pirasong itlog doon.

"Ano ito?" Nakasimangot na tinitigan ni Tyron ang pagkain sa kanyang plato.

"Scrambled egg, sunny sideup at boiled egg. Kinumpleto ko na para naman may choices ka." Subalit mukhang hindi niya nagustuhan ang inihain ko. "Huwag ka nang magreklamo. Iyan lang nakita kong pwedeng mailuto sa kusina mo. Baka gusto mong mag-effort na mag-grocery?"

Hindi na sumagot si Tyron at pinagtiyagaan kainin ang niluto ko. Kung sabagay wala naman siyang choice. Mabuti na iyon kaysa sa wala.

"Saan ka pupunta?" Palabas na ako nang pigilan niya.

"Matutulog ulit."

"Hindi pwede. May pupuntahan tayo."

"Pwede bang mamaya na lang? Inaantok pa ako. Alam mo ba kung anong oras na ako pinatulog ng anak mo?" Ngunit tila walang narinig ang binata.

"Magbihis ka na."

"Fifteen minutes lang please..."

"No!"

"Ten minutes?"

"No!"

"Five minutes?"

"Gusto mong kaladkarin kita palabas?" Banta ni Tyron.

Napanguso na lang ako. Hanggang nasa poder ako ng binata ay hindi ako mananalo sa kanya. May araw ka rin sa akin!

"Bihisan mo rin si Baby Ron-Ron."

"Kasama si Baby?"

Nakatatlong subo ng kutsara si Tyron bago sumagot. "Ha-hunting-in natin ang nanay niya."

"Kilala mo na kung sino ang nanay ni Baby?" Pero hindi na muling sumagot ang binata. Hindi na ulit siya nagbigay ng detalye.

Ewan ko sayo! Palabas na sana nang biglang may kumikis na mabalahibo sa aking binti. Kasabay ng pagtili ay nagtatakbo ako patungo kay Tyron at mabilis na sumampa sa ibabaw ng mesa.

"Tyron, may maligno!" I exclaimed. Takot na takot ako na halos magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

Natatawang yumuko ang binata. Pagtayo niya  ay mayroon na siyang karga na kulay orange na pusa. "Ano ka ba! Si Kitkat lang ito. Siya ang hello kitty ni Mark."

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon