Chapter Thirty One: Unexpected

78.8K 2K 97
                                    

A/N: Isang maiksing update na labis kong pinaghirapan. I really hate dramas. Nag-nosebleed na naman ang ilong ko (again, sipon po ang lumabas!)

Chapter Thirty One: Unexpected

CYRHEL

"Anong nangyari dito?" Hindi ako makapaniwala sa nadatnan. Taliwas iyon sa inaasahan ko. 

"Haist! Kalilinis ko lang, nagkalat na naman sila!" React ni Katkat na sumulpot mula sa likuran ko. Nakapameywang na sinuyod niya ng tingin ang paligid.

Magulo ang buong sala. Nagkalat sa paligid ang mga basyo ng beer at mga pinagkainan ng mga ito. Gayundin ang mga lalaki na nakabulagta sa sahig at sofa- maliban kay Tyron.

"Hoy gumising kayo!" Pilit niyang binabangon si Jared na nakatulog na sa sobrang kalasingan. "Mga pasaway! Nakaistorbo na nga kayo, dito nyo pa balak matulog. Kung ipasundo ko kaya kayo sa mga asawa ninyo!"

"W-wala akong a-asawa," wika ni Mark habang pilit na bumabangon. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang lasing na lasing. 

"Kung ganon sa pusa mo na lang kita ipapasundo," sabi ni Tyron at nilingon si Katkat. "Tawagan mo si Kitkat, sabihin mo sunduin niya dito ang amo niya."

"Po?" Hindi malaman ng dalaga kung seryoso o nagbibiro lamang siya.

Tangkang tutulungan ko si Mark nang sawayin ako ni Tyron. "Don't! Hayaan mo siya. Hayaan mo sila." 

"What happened?" Naisip kong itanong habang hinahagilap ng mga mata si Kuya Vince. Hindi ko pa sana siya makikita kung hindi ko lamang nakilala ang pares ng kanyang sapatos. Anong ginagawa niya sa likuran ng couch?

"Ang lalakas ng loob magyaya ng inuman, sila naman pala ang unang babagsak." Basta na lamang niyang binitiwan si Jared at pasuray-suray na naglakad. Napasugod ako sa kanya upang alalayan siya. Subalit bigla siyang umiwas sa aking pagkamangha. "I'm fine," aniya at pilit na ngumiti. 

"Are you sure?" Gabundok ang pagpipigil ko sa sarili na muli siyang lapitan.

Tumango si Tyron. "Ako pa, mataas yata ang alcohol tolerance ko," pagyayabang niya bago muling humakbang patungo sa kanyang silid. "Cyrhel, matulog ka na rin. Huwag mo nang intindihin ang mga pasaway na 'yan," dagdag pa niya patungkol sa mga kaibigan.

There's something in him that I couldn't give a name. At kinakabahan ako sa something na iyon. Wala akong idea sa kung anong nangyari sa pagitan nila ng mga kaibigan. Hindi rin ako sigurado kung nasabi na sa kanya ni Mark ang totoo. Pero sa kinikilos niya, duda ko na may alam na siya.

"Tyron?" Sinundan ko siya sa kanyang kuwarto at naabutan ko siyang nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Nakayuko habang sapo ang ng mga kamay ang kanyang mukha. Biglang sinaklot ng pag-aalala ang dibdib ko. "May masakit ba sayo?" 

"Cyrhel, tell me why is this all happening? Ito ba ang kabayaran sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan? Ito ba ang tinatawag na karma?" Puno ng hinanakit na wika ni Tyron habang nananatiling nakayuko.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon