[13] Sleep Over

617K 13.1K 3K
                                    

[13]  SLEEP OVER

GAIL'S POV

*NP: BAD BOY BY BIG BANG*


Pikit matang kinapa ko ang phone ko sa ilalim ng unan ko. Ugh! Istorbo naman sa tulog kung sinumang tumatawag na yan oh. Nang makapa ko na ay sinilip ko sa screen kung sino ang caller. Silip, kasi yung isa kong mata ayaw pang mamulat. Argh.

Chloe sissy Calling...

*places phone on ear* *closes eyes*

"Hmmm?"

[Tulog ka, sissy?]

"Ay hindi. Nananaginip pa! Tsk. Bakit ka napatawag?"

[Uh, wala lang. Nandyan na ba si Pareng Kurt? Di na ba kita sasamahan?]

"Dumating na siya... Kanina lang... Thanks pala at sinamahan niyo ako kagabi dito huh?" 

[Wala yun! Hihihi! By the way, sino daw si Megan?]

"Cousin daw niya from HK."

[Weh? Bakit daw uma-I love you?]

"Nakasanayan daw. Nung mga bata pa daw kasi sila ganun daw sila. Eh isip bata daw yun."

[Ahh, good! Sabi sayo eh, imposibleng maghanap ng iba yang baby love mo. O sige na, I'm hanging up, sissy. Bye!]

"..Hmm, bye." 

*TOOT TOOT TOOT*

Ibinalik ko na sa ilalim ng unan ko ang phone pagkatapos ay pikit matang humarap ako sa pwesto ni Kurt. Yayakapin ko sana kaso wala akong makapang katawan niya. Asan na yun?

I immediately opened my eyes and yeah right, wala siya. Nawala tuloy ang antok ko. Kinuha ko ulit ang phone sa ilalim ng unan ko para tignan kung anong time na. 9:10PM na pala, hindi pa kami nagdidinner! 

I was about to roll out of bed when I saw Kurt sleeping on my pink couch. Bakit siya dun natutulog?

"Kurt!"

No effect. Kawawa kaya yung pwesto niya. Ang laki-laking tao tapos nakabaluktot na nakahiga sa couch. Ang laki laki naman ng kama. Ano bang nangyayari sa lalaking yan? 

"Kurt!" I called and threw my pillow to him. Gumalaw siya at humarap sa akin since nakatalikod siya sa pwesto ko. Kinusot kusot niya ang mga mata niya at saka siya dumilat. "Bakit ka dyan natutulog? Sasakit ang katawan mo dyan eh."

He stood up and did a lil stretching. Naglakad na siya papunta sa akin at hinila na ako patayo. "Kain nalang tayo sa labas ng dinner."

"Wait muna, bakit ka muna dun natulog?" I asked eagerly.

"Wala lang, trip ko lang." Pumasok muna siya ng bathroom ko and after a minute ay lumabas na siya. Naghilamos siguro. He looked at me casually, "Change your clothes. We'll eat dinner outside."

I just shook my head no and gave him my bored look. "Ayoko, tinatamad na akong lumabas. Mag-take out ka nalang, baby love." Sabi ko at humiga pa ulit ako sa kama.

"Oh sige, magluluto nalang ako. Tara, samahan mo ako sa baba." Hinila niya na naman ako patayo kaya no choice nagpahila nalang ako. Nakakatamad eh.

Nang pababa na kami sa hagdan ay inakbayan niya ako. Niyakap ko na naman siya bewang niya. Oh diba! "Kurt, wala ka man lang pasalubong sa akin aside sa stuffed toy monkey? I mean, wala man lang pagkain kang dala mula dun? Teka, nagpunta ba kayo sa Hongkong Disneyland?"

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon