6 - Last Goodbye

21 5 3
                                    

Isang buwan pa ang lumipas, maraming therapy ang pinagawa sa akin bago ako pinalabas ng hospital.

Matagal din bago ako maka-recover. Isang taon din ako namahinga at 'di muna pumasok sa school. Sa probinsya muna namin ako nanatili.

Pagkatapos ng isang taon ay bumalik din ako sa school. Maraming nangyari. Sobrang naging busy talaga ako sa studies ko. Last year ko na kasi sa college. Actually, graduate na dapat ako kaso lang dahil nga sa nangyari sa akin noon kaya naudlot.

Sa tingin ko naman naka-move on na ko sa lahat ng mga nangyari. Nagkikita kami ni Aling Lita, ina ni Nash, paminsan minsan. Minsan din ay dumadayo siya sa dorm ko at dinadalan ako ng pagkain.

Kakagaling ko lang sa school. Sobrang na-stress ako sa exam namin ngayon.

Pero lalo akong na-stress nang biglang bumuhos ang ulan. Shit. Hindi ko dala ang payong ko.

Nilusob ko nalang ang ulan at binilisan ang takbo para makalabas ng University. Buti nalang may mga nadadaanan akong may shed kaya hindi rin ako gano'n nabasa.

Pagkalabas ko ng University, may nakita akong shed at doon dumiretso para ro'n maghintay ng bus papauwi.

Pero napahinto ang mga paa dahil sa nakita...

"Nash.." sambit ko nang makita ang isang pamilyar na lalaki sa shed.

Dahan-dahan akong lumapit at pumasok sa waiting shed habang nakatitig sa lalaki.

Napatingin naman siya sa akin sabay nginitian ako..

At doon lang ako nabalik sa wisyo.

Hindi pala siya. Nash ang mukha kapag sa malayo lang.

Napatingin naman ako sa basang basa kong damit. Kinuha ko rin ang bag ko na nakasukbit sa aking balikat at tinignan ang loob nito kung may importanteng bagay ba na nabasa.

Napatigil ako sa paghahalukay ng bag nang may dumating na bus. Pero hindi ito ang bus na papunta sa ruta ko kaya pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko kanina.

"There's always a rainbow after the rain," sabi niya pa bago sumakay.

Napansin kong sumakay na sa bus ang kasama kong lalaki rito waiting shed.

Napatigil ako sa ginagawa ko.

Nakasakay na sa bus ang lalaki at sumulyap pa siya sa akin sabay nginitian pa ako saglit.

"Bye..." he muttered while waving at me before his bus leave.

And now, he look exactly like him again. Nash 2.0 kumbaga.

"Nagpaparamdam ka ba sa akin? " sambit ko habang nakatingin sa langit at wari'y kinakausap siya, si Nash.

"I guess that's your last goodbye," at naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko.

Nagfla-flashbacks nanaman ang mga ala-ala na dapat ay kinakalimutan ko na.

Sana magkaroon ako ng panaginip na tangling ikaw lang ang nakikita ko.

Kaso ilang beses ko na rin pinagdadasal na sana sumulpot siya sa panaginip ko pero mukhang may pumipigil.

Nagsearch pa ako sa Internet kung paano kontrolin ang panaginip pero tanging pagkabigo lamang ang nakuha ko.

Gusto ko sana mabangga uli ang bus na sasakyan ko para maratay uli ako sa hospital at makatulog ng ilang buwan at magkaroon uli ng mga imaginary visions na parang reyalidad.

Napahinga ako ng malalim at napatingin uli sa langit.

Hindi pa talaga ako nakakaalis sa nakaraan.

I still love him. Malinaw pa sa isip ko ang mga magagandang ala-ala na kasama niya.

Palagi ko pa rin naman pinaaalalahanan ang sarili ko na wala na dapat akong gawin para mabalik at magbago ang lahat dahil ito na talaga ang nakatadhana sa amin.

If we really not meant together, maybe some other time in a parallel universe we meet again, my rainbow, my Nash.

End
-----

Date started: June 10,2020
End: June 15,2020

When It RainsWhere stories live. Discover now