5

20 6 2
                                    

"Shan.." habang sunod-sunod ang pagbuhos ng luha ko.

Pinuntahan ko siya sakanyang kama at hindi napigilang akapin ang nakaratay niyang katawan.

Naalala ko na. Ang lalaking ito ay si Shan. Anong nangyari sakanya? Bakit nakaratay siya rito? Bakit ang daming nakatusok sa katawan niya?

Hindi ko mapigilan ang luha ko. Hindi ko rin mapigilan ang bibig ko sa pag tawag ng pangalan niya.

"Jane..." narinig kong tawag sa akin ni Haydie. "His name is not Shan.."

Bigla nalang ako napahinto sa pagiyak at napatingin kay Haydie na nasa likod ko.

"P-paano.. Si Shan 'to. Nakilala ko siya sa waiting shed noong--ah!" at sumakit nanaman ang ulo ko.

Napaupo ako sa sobrang sakit. Napahawak ako bigla sa bunbunan ko kung saan ang sumasakit.

Nagpanic si Haydie. Napansin ko na kararating lang ni Karl at may kasama na siyang doctor at nurse.

"Anak? Jane?" isang matandang babae ang lumapit sa akin. Napaatras si Haydie dahil sa padalos-dalos nitong paglapit sa akin. Nang makarating siya sa puwesto ko ay bigla nalang niya akong niyakap.

"Buti nagising ka na," 'yong matandang babae habang mahigpit akong niyakap. "Matutuwa si Nash pag nalamang gising ka na."

Nash?

"Sinong Nash?" tanong ko sa babae.

Napatingin sa akin ang babae habang inalis ang mga braso na nakayakap kanina.

"We need to go," lapit sa akin ni Haydie at inilayo na ako sa matandang babae. Tinulungan naman siya ng mga nurse na kasama ni Karl sa pagtayo sa akin.

Nawala na ang sakit sa ulo ko. Pero parang nawala naman ang utak ko. Wala ng pumapasok sa isip ko. Sa isang direksyon nalang nakatingin ang mga mata ko.

Pagkarating sa kuwarto, agad akong nakatulog pagkahiga ko sa kama.

ISANG linggo ang lumipas, palagi lang akong natutulog. Pakiramdam ko araw-araw akong pagod.

Kada araw din, laging walang maalala ang utak ko. Nakakalimutan ko agad ang mga pangyayari sa mga lumipas na araw. Hindi ko na rin maalala kung ano ang mga nangyari noong nakaraang linggo.

May mga iilan pa rin naman akong naalala pero bihira lang lumabas sa isip ko.

Palagi akong kinakausap ng mga kaibigan ko, sila Haydie at Karl. Nagkukuwento sila tungkol sa dati kong buhay bago ako ma-ospital.

Architecture student pala ako. 'Yong mga magulang ko at kapatid ko nasa probinsya pa raw at hindi raw sila makabisita dahil wala raw mga pamasahe at marami pa raw silang pinagkakaabalahan.

Medyo nalungkot ako tungkol do'n. Pamilya nila ako pero bakit parang hindi sila sabik at nagaalala na hindi makita ang kalagayan ko ngayon.

Pakiramdam ko marami pang hindi nakukuwento ang mga kaibigan ko. Marami pang katotohanan na kailangan kong malaman.

"Paano ako napunta rito?" tanong ko sa gitna ng paguusap namin.

Nagbulungan muna sila, sila Haydie at Karl, bago ako sagutin.

"Naaksidente ka, sa bus.." maingat na sabi ni Haydie. "Kritikal ang mga tama mo sa katawan mula sa aksidente kaya ilang buwan ka rin nakaratay, " tuloy niya.

May isa pang bagay akong naalala...

"'Di ba na-ospital ka rin? Inatake ka sa puso?"

Napa-'huh' naman si Haydie dahil sa sinabi ko. Tinignan ko naman siya ng may pagtataka.

When It RainsWhere stories live. Discover now