4

18 7 4
                                    

"I love you."

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Napatulala lang ako sa lalaking nasa harap ko.

Tama ba ang dinig ko? O nagiilusyon lang ako.

"Anong trip mo?" sabi ko nalang at pekeng tumawa.

Pero hindi niya ko sinagot bagkos tinitigan lang ako at lumapit pa siya lalo sa akin.

"O-oy 'di ka na nakakatuwa ah," ninenerbyos kong sabi.

And he shifted his gaze to his side. Ngumiti siya pero may bahid ng disappointment.

Lumayo ako ng kaunti sakanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko na rin alam kung ano itong nararamdaman ko.

My heart sank unexpectedly when I saw those sad eyes from him.

Parang ang daming gumugulo sa isipan niya. Pero isa lang ang sigurado ako, may mga gusto siyang sabihin sa akin ngunit parang may pumipigil sakanya na sabihin kung ano man iyon.

"Kailangan ko ng umuwi," pagkatapos ay umalis na ko sa harapan niya at dumiretso sa waiting shed para kunin ang bag ko.

Napansin ko na hindi pa siya umaalis sa kinatatayuan niya.

Pakiramdam ko napaka-heartless ko ngayon dahil iniwan ko siyang magisa sa gitna ng ulan. Pero hindi ko na kasi siyang kayang harapin. Baka biglang sumabog ang mga lamang loob ko kapag nanatili pa ako ro'n.

Kahit umuulan pa ay sumugod na ako para makauwi. Tutal basa na rin lamang ako.

Sumunod na araw, naguusap kami na parang walang kakaibang nangyari kahapon.

But the way he talks to me now was bothered me the most. Para siyang nagpapaalam na ewan.

"Huwag mong papabayaan ang sarili mo. Iyon lang ang gusto ko, " mahinahon pero may bahid ng lungkot niyang sabi.

"Anong mayro'n sayo? Bakit ganyan ka magsalita?" I tried to laughed to ease the atmosphere.

"Ano nga bang mayro'n," he tried to laughed as well.

Pakiramdam ko may mali sa mga nangyayari. Sinusubukan kong intindihin pero sumasakit lang ang ulo ko.

"Teka, aalis ka ba?" pabiro kong sabi.

At hindi ko naman ine-expect na sasabihin niya ang salitang 'Oo'.

"May pupuntahan ako. Malayong lugar," turan niya sabay tingin sa akin.

And I saw again his sad eyes.

'Malayong lugar' mga salita na kanyang binitawan na mas tumatak sa isip ko.

"Maga-abroad ka ba?" pabiro kong sabi.

"Pwede."

"Anong klaseng sagot 'yan?"

I managed to laugh but I failed.

"Hindi ako sure kung makakabalik pa ako."

Hindi naman ako nakapagsalita at hinayaan lang ang sarili na titigan siya hanggang sa makabisado ang bawat detalye ng kanyang mukha.

AT IYON na ang huli naming pagkikita.

Ilang araw na ang lumipas pero 'ni anino niya hindi nagparamdam.

It sounds OA pero sobrang na-miss ko siya to the point na daig ko pa 'yong mga may asawang OFW na years ng hindi nagkikita.

Hindi ko siya makalimutan. Hindi ko rin alam kung bakit.

Bawat araw na lumilipas, ginugulo ako ng mga binitawan niyang salita sa huli naming pagkikita.

Noong umulan, inasahan ko na makikita siya pero nabigo ako.

When It RainsWhere stories live. Discover now