1

38 8 3
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means. Plagiarism is a crime.

I'm not a professional writer so grammatical and typographical error will be noticed.

This story is inspired by Paramore song, When It Rains.

Enjoy!

_________

"Malapit na due date ng next payment sa renta. Kailan mo ba babayaran 'yong para sa last month?"

"Isasabay ko na po 'yong bayad ng last month payment after this month, " sagot ko sa landlord na nasa kabilang linya.

Pinatay ko na ang tawag bago pa siya magbunganga ulit. Pagkatapos ay nilagay ko na sa backpack ko ang phone.

'Di bale ng masabihan na bastos.

Nakakasawa na. Halos araw-araw niya akong kinukulit sa renta na 'yan. Sinabi ng isasabay ko  after this month. Alam niya na ngang kakagaling ko lang sa aksidente  at ang dami kong binayaran na bills sa hospital. Hindi marunong makaintindi.

Oo, nasangkot ako sa isang disgrasya sa bus na sinakyan ko kamakailan lang. Two weeks na ang nakakalipas pagkatapos kong ma-discharge. Pinilit ko lang talaga na lumabas sa hospital dahil natatakot na baka lumaki ang bills dahil kapos na kapos talaga ako. Ang dami ko rin hahabulin sa school kung sakaling hindi ako lalabas agad.

Tingin ko naman hindi ganoon kalala ang natamo ko kaso lang pa minsan-minsan binibinat ako. Katulad ngayon. Medyo nanghihina 'yong katawan at pakiramdam ko mas lalo akong nanghina nang tumawag 'yong bungangerang landlord namin.

Napatingala ako  sa langit dahil sa pag-agaw sa akin ng atensyon ng isang patak ng tubig mula rito.

"Shit! 'Yong plates ko!" bulalas ko habang nakatingin sa mga pinaghirapan kong plates.

Kung sinuswerte ka nga naman.
Wala kasi akong pambiling tube kaya naka-roll lang itong plates at tanging maliit na papel na may nakadikit na tape lang ang nagho-hold dito.

Wala rin akong pambiling payong. Nasira kasi noong naaksidente ako. Wala akong pambili dahil halos lahat ng pera na hawak ko pinambayad ko sa hospital bills. Tanging pambili lang ng pagkain ang natira sa akin.

Agad akong tumakbo papunta sa waiting shed  pero ilang hakbang pa ang bubunuin ko. Loko kasi 'yong bus driver, sinabi kong sa waiting shed ako ibaba pero sa kabilang kanto huminto. Hindi sulit ang singkwenta pesos na pamasahe.

Unti-unti ay dumadami na ang patak. Lumalakas na ang ulan. Sumabay pa ang malakas na hangin kaya habang sinisira ng walangyang ulan ang plates ko, natatangay naman ng hangin ang ilan sa mga ito.

Feeling ko lalo akong manghihina at mapupunta sa lagnat dahil sa letseng ulan. Basa na ang damit ko at buti nalang waterproof 'yong bag na binigay sa akin ng kapitbahay namin na rich sa probinsya.

I feel hopeless. Ano bang ginawa kong kasalanan sa past life bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko.

Pagkatapos mabasa at magmukhang basura ang mga plates ko, saka lang ako nakarating sa waiting shed.

Tinapon ko na sa kung saan 'yong plates dahil hindi na mapapakinabangan 'yon.

Napakapit ako sa braso ko nang umihip ang malakas at malamig na hangin.

At halos mapatalon ako sa gulat dahil  may bigla nalang may naglagay ng jacket sa akin mula sa likuran ko.

Tinignan ko kung sino ang nagmagandang loob.

Napatulala ako pagkakita ko sa aking good samaritan. Actually, hindi ko siya napansin dito sa waiting shed kung hindi lang niya nilagay 'yong jacket niya sa akin.

"Welcome, " habang nakatingin diretso sa mata.

Doon lang ako natauhan.

Wait. Bakit siya nag welcome? Hindi pa naman ako nagti-thank you ah.

Ibabalik ko sana 'yong jacket kaso lang nilalamig ako at feeling ko isang ihip nalang ng hangin, magkakasakit na talaga ako. Kaya kakapalan ko na ang aking mukha. Kahit ngayon lang.

Tumango nalang ako sakanya at ibinaling nalang ang tingin ko sa harap.

Naisipan kong tawagan ang nanay ko nang maalala kong kailangan ko pala ng extra budget.

"Hello Ma," tawag ko sa aking Ina na nasa kabilang linya.

"Bakit?"

"May pera ka po ba d'yan?"  walang ano-ano kong sabi.

"Pasensya na anak..."

"Sige po pala."

At pinatay ko na ang tawag. Alam ko naman na ang dahilan kung bakit hindi niya ako mabibigyan ng kailangan ko.

Napahinga nalang ako ng malalim habang nakatingin sa malayo. Kung pwede lang takasan ang problem ginawa ko na.

"Parang kung pwede lang sugurin ang ulan, sinugod ko na"

"Ay palaka!" gulat kong sabi.

Napatingin naman ako sa lalaking nag bigay ng jacket na bigla nalang nagsalita at nasa tabi ko na pala.

Napa-'huh' naman ako sa sinabi niya.

"Ano po sabi mo uli?" pormal kong turan.

"Wala. Basta tiwala lang," sabay ngiti niya sa akin.

At doon ko lang napansin ang kgwapuhan niya. May dimples siya, maputi, matangkad din at tama lang ang pangangatawan. Magkasing edad ata kami nito. Pero ang weird niya. 'Di ko siya gets.

Hindi na siya nagsalita ulit pero nasa tabi ko lang siya. Nakaramdaman naman ako ng pagkailang pero agad naman nawala iyon matapos kong malibang ang sarili sa panonood ng patak ng ulan.

Naramdaman kong biglang nag vibrate ang phone ko. Pagkatingin ko sa screen, caller ID ng kaibigan slash classmate kong si Karl.

"Hello, bakit?"

"Jane! Nasaan ka? Inatake nanaman si Haydie! " nanginginig ang boses nito.

Bigla akong kinabahan. Halos malunod ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

Bakit madalas na ang pagatake ng puso ni Haydie? Ayaw ko lang isipin pero hindi na talaga maganda 'to.

"Saan kayo?" tanong ko agad at hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko.

At binigay naman agad ni Karl ang address kung saan sila.

"Hindi ko alam ang gagawin. Parang mas lumala ngayon si Haydie," kinakabahan na sabi ni Karl.

Si Haydie. Kaibigan ko. Ang may pinakamalaking tulong kung bakit nakakasurvive pa ko sa buhay na 'to. Paano na ako kung mawawala pa siya? 'Wag naman sana.

Pinatay ko na ang tawag at sinugod  na ang ulan sabay takbo papaalis. Wala na akong pake sa ulan na 'to. Magkasakit na kung magkasakit.

Teka 'yong jacket.

Bumalik ako sa waiting shed para isauli 'yong jacket sa lalaki kaso lang wala na siya sa puwesto niya kanina noong iniwan ko siya.

Hindi na ko nagabalang hanapin ito at sinama na ang jacket sa akin. Bukas ko nalang ibalik kung sakali.

At mabilis akong tumakbo habang sinusugod ang malakas na ulan.

When It RainsWhere stories live. Discover now