3

21 6 6
                                    

Isang araw bago ako ma-discharge. Kaunti nalang magiging suki na ko sa hospital.

'Di ko na pinasabi sa doktor kung anong dahilan kung bakit nahimatay ako bigla. Natatakot ako sa kung ano mang sagot ang ibibigay sa akin.

Hindi nanaman ako nakapasok sa school. Isang kembot nalang mada-drop na talaga ako.

Kaya bago pa mangyari ang isang kembot na 'yan, nagdesisyon akong pumasok agad sa school pagkatapos ng isang araw sa hospital kahit sinabi ng doktor na magpahinga pa ako.

Kailangan ko talagang maging Architect.

Naghihintay ako ngayon dito sa waiting shed ng bus papuntang University. Malapit na sa bago kong dorm itong waiting shed kaya kaunti nalang ang nilalakad ko papunta rito.

May mga ibang estudyante at mga working humans akong kasama na naghihintay din ng bus.

No signs of Shan. Gusto ko pa naman magpasalamat sakanya sa pagalalay  sa'kin at sa pagdala niya sa akin sa hospital kahapon noong nahilo ako.

Maganda ang sikat ng araw ngayon. Sana hindi na umulan mamaya para hindi hassle umuwi.

AT BIGLANG UMULAN saktong pagkatapos ng klase. Ang galing talaga.

Sinugod ko nalang ang ulan. Tinakbo ko lang naman mula college building  hanggang labas ng University. Kaya medyo nabasa ako. Hindi naman ganon kalakas ang ulan.

Huminto na ang bus na sinasakyan ko at dito ako nagpababa sa waiting shed.

Pagkababa, ang una kong nakita ay 'yong Shan na prenteng nakaupo sa waiting shed. Wala siyang ibang kasama.

"Oy," tawag ko sakanya.

"Long time no see," sabi niya sabay naglabas ng ngiti.

"Ay, ilang oras lang tayo hindi nagkita," feeling close kong sabi habang papaupo sa tabi niya. "Salamat nga pala kahapon."

Mamaya na siguro ako uuwi. Patigilin ko muna ang ulan baka magkasakit na ako pagsinugod ko uli ito.

Hindi naman niya ako sinagot at nakatingin lang sa harap, pinapanood ang pagbuhos ng ulan.

"Siguro kung wala ka. Na-dedok na ko," medyo pabiro kong sabi.

"Grabe ka naman magisip. Pwedeng matagal ka lang nakaratay bago may makakita sayo at nadala ka sa hospital?"

Para siyang tatay na nagaalala sa anak.

"Ay sorry po," sabi ko nalang.

"Bakit ka pumasok ng school?" tanong niya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan.

"Pano mo nalaman na galing akong school?"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Na-realize ko naman kung bakit ginawa niya 'yon.

"Ay sorry uli," sabay tingin ko sa suot-suot kong ID at College poloshirt namin.

Actually, wala talaga kaming uniform. Nakasibilyan lang kami tapos every Friday susuotin namin 'yong poloshirt namin na may print ng logo ng College namin at course.

"Are you an Architecture Student?" tanong niya.

"Yup."

"Anong year?"

"4th year, " pagmamalaki ko.

"Oh. That's a greatest achievement. "

"Sangayon ako dyan.'Yong iba hindi big deal 'yan para sakanila pero para sa akin, malaking bagay na," sabi ko agad after hearing those words.

When It RainsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora