EPILOGUE

15.7K 413 31
                                    

EPILOGUE

Two months later. San Sebastian Church, Manila

“BOK, parang may ex-girlfriend convention dito sa simbahan ah. Bakit andito lahat ng mga naging jowa mo?” tanong ni Spike habang nakatayo sila sa may altar. Kasama niya ang ibang mistah na tumatayo bilang mga abay.

“Oo nga, baka magkagulo dito,” sabad ni Hank.

“In good faith ko naman silang inimbitahan. E sa dumating lahat e.” Tumunog na ang organ ng simbahan.

Nakita ni Drew na naglalakad na si Stella. Para itong diyosa sa suot na damit pang-kasal. Nakangiti ito the whole time, pero nang mapadako ang mata nito sa isang bahagi ng simbahan ay kitang kita niya na kumunot ang noo nito. Nang makalapit na ang babae ay agad itong bumulong sa kanya.

“Bakit ang daming babae na hindi ko kilala? Saka bakit nakita ko si Hailey?”

“Inimbitahan ko lahat ng ex ko,” nakangisi niyang wika.

“Buong barangay na namin yan ah!” Nakangiti pa rin si Stella pero bigla siya nitong kinurot. Napa-aray tuloy siya ng wala sa oras.

“Bakit mo ako kinurot? Nasa harap tayo ng altar!” bulong niya sa babae.

“Hindi ka man lang nagsabi sa akin na may plano kang magpa-reunion ng mga ex sa kasal natin!”

“Mahal, gusto ko kasing masaksihan nila ang kasal ko. At nang makita nila kung sino ang pinaka-maswerteng babae sa balat ng lupa.”

“Ang yabang mo naman.”

“Aba, hindi naman ako cheap no!” Lumapit pa siya sa babae saka hinalikan ito kahit may veil pa. “Ang totoo, gusto kong makita nila kung gaano ako kaswerte, dahil napakaganda na magiging misis ko. Mabait pa.”

Natigil lamang ang bulungan nila nang biglang magsalita ang pari.

“Puwede na ba tayong magsimula? Mukha kasing nagmamadali kayo e.”

“Yes father. Sorry po,” mabilis na wika ni Drew.

“Siya po kasi father.”

Ngumiti ang pari saka opisyal na nitong inumpisahan ang misa.

Pagkatapos ng kasal ay naglakad sila sa ilalim ng mga espada- ang tradisyong ginagawa sa military weddings. Nakita ni Stella na malawak ang ngiti ni Mavi, na siyang tumatayo niyang maid of honor. Ang mga kasama sa trabaho na sina Joyce, Trixie at Carol ay ang kanyang bridesmaids. Nagawa pang bumulong sa kanya ni Trixie nang magkaroon ito ng pagkakataon.

“Ang daming guwapo day! Nakakaloka!”

When it was time for the throwing of the bouquet ay ang lakas ng tawa ng mga mistah ni Drew dahil halos hindi magkasya ang mga babaeng gustong makasalo ng bulaklak. Siniko muna ni Stella ang asawa bago itinapon ang bouquet- na nasalo ni Hailey!

“Huwag na kaya tayong pumunta sa reception? Iwan na lang natin sila?” bulong ni Drew kay Stella.

“Sira! Ilang oras lang naman e.”

“Ang tagal e. Gusto na kitang masolo.”

“Maghintay ka. Iisa-isahin ko pa ang mga ex mo.”

“Stella naman e.”

Kunwari’y inirapan siya ng babae. Niyakap tuloy ni Drew ang asawa at hinalikan. May biglang sumigaw sa mga mistah.

“Mamaya pa ang honeymoon, hoy!”

Napahalakhak sina Drew at Stella.

The Cavaliers: DREWWhere stories live. Discover now