CHAPTER FIFTEEN

9.3K 245 6
                                    

CHAPTER FIFTEEN

HINDI nakaligtas sa mga mata ni Stella ang perfectly French-manicured nails ni Hailey. Mabuti nalang at nakapagpa-manicure din siya kaninang umaga. Elegante ang ayos ng babae, animo’y member ng royal family kung kumilos at magsalita.

Malakas ang kutob ng dalaga na isa ito sa mga ex-girlfriends ni Drew, base sa mga titig nito at kaswal na paghawak sa braso ng nobyo niya. Parang may nakaraan ang dalawa!

Sa tingin niya ay mukhang galing ito sa isang business conference. Naka-beige ito ng paldang hanggang tuhod, high-heels na beige, puting blouse with matching pearl necklace, earrings and bracelet. May dala itong handbag na mamahalin- isang original na Louis Vitton.

“Hi! Nice to meet you,” aniya kay Hailey. Tumango lang sa kanya ang babae saka ibinalik ang atensiyon kay Drew.

“We should get together sometime. Let’s have coffee or lunch,” narinig niyang wika ng babae.

The nerve! Sa loob-loob niya ay walang tinitingnang boundary ang kaharap na babae. Kahit kaharap siya ay tahasan nitong niyayayang lumabas si Drew!

“Sure!” Lalong nagpanting ang tenga niya nang marinig na sumang-ayon naman ang magaling niyang nobyo!

“Great! Here’s my card!” Mabilis na iniabot ni Hailey ang calling card nito na silver ang kulay. Nang sabihin ni Drew na wala itong dalang calling card ay ni hindi kumurap ang babae. “That’s okay. Just give me your number.”

Pagkatapos makuha ang number ni Drew ay walang anuman na nagpaalam na ito sa kanila. Alam ni Stella na hindi na maipinta ang mukha niya dahil nakatingin sa kanya si Drew.

“Pagpasensyahan mo na si Hailey. Matagal kasi kaming hindi nagkita.”

“Oo nga, halatang sabik,” hindi niya napigilan ang maging sarcastic.

“Stella, please. Ayokong masira ang birthday celebration mo dahil lang sa iba.”

“Bakit mo naman kasi ibinigay ang phone number mo?”

“Hindi ako titigilan kasi nun. Kita mo nga, hindi ko na ibinigay ang calling card ko kahit meron naman akong dala.” Hinawakan ni Drew ang kamay niya. Please, wag na natin siyang pag-usapan. Nandito tayo ngayon dahil birthday mo.”

Humaba muna ang nguso niya saka napilitang ngumiti. Naisip niyang mahirap magalit kay Drew dahil natural na malambing ang lalake. Marunong itong manuyo sa kanya.

“Sige na nga. Kung hindi lang kita mahal….” Kunwari ay irap niya. Eksakto namang dumating na ang mga pagkain na inorder ni Drew.

“Dahil alam mong mahal na mahal din kita.” Pinisil ng lalake ang ilong niya, bago tuluyang nilagyan ng pagkain ang plato niya.

The Cavaliers: DREWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon