CHAPTER EIGHT

9.2K 260 3
                                    

CHAPTER EIGHT

ANG BILIS ng araw. Yun ang naisip ni Stella nang tumingin siya sa calendaryo ng kanyang cellphone. Two months na pala sila ni Drew! Parang kelan lang. Kahit papano ay nakakapag-adjust na siya sa schedule ng lalake. Kapag may raket siya sa mga bar at maagang natatapos ang duty nito ay sinusundo siya. Nagpapasalamat siya at hindi gaanong seloso si Drew. Hindi ito nagrereklamo sa klase ng trabaho niya.

“Daig mo pa kasi si Maria Clara. Ni hindi ka makausap ng mga lalake kapag may show tayo,” wika ni Carol habang nagmi-make up.

Nasa dressing room sila ng Metro Bar sa West Avenue dahil may special show sila doon. Launching ng mint candy at sila ang napili para sa isang fashion show. Napag-usapan nila ang lovelife ng bawat isa.

“Bakit naman kasi ako makikipag-usap e busy ako kapag nasa trabaho?” pagtatanggol ni Stella sa sarili. “E di lalo na ngayon na may boyfriend ako, di ba?”

“Oo nga. Saka in fairness, muy guwapito ang nabingwit mo day!” tukso ni Trixie. “Nakakainggit.”

“Susunduin ka ba niya mamaya?” tanong ni Joyce. “Kasi kung hindi, sumama ka muna sa amin. Mag-SPA naman tayo, diyan lang sa Wensha.”

“Ay type ko yan! Go ako!” sabi ni Tetay.

“Magtetext naman yun kung makakapunta siya.” Tiningnan ng dalaga ang cellphone niya. Wala pa ring message mula kay Drew.

“Basta, kapag hindi dumating, sumama ka sa amin ha?” ani Joyce. Hindi na sumagot ang dalaga.

Naging abala na rin naman sila dahil pumasok na sa dressing room ang assistant floor director para sabihin sa kanila na malapit na ang number nila.

Pagkatapos ng show nila ay tiningnan ni Stella ang cellphone niya. Nasa labas na daw si Drew at hinihintay siya. Hindi napigilan ng dalaga ang mapangiti. Excited siyang nagbihis at nagpaalam sa mga kasama.

“Ang hirap ng may boyfriend na PSG, parang presidente ng Pilipinas na bantay-sarado!” tukso ni Trixie sa kanya bago lumabas.

“Hayaan niyo na yan, ngayon lang nagka-jowa e!” hirit ni Carol. Kumaway siya sa mga kasama bago tuluyang isinara ang pinto ng dressing room. Narinig pa niya ang tawanan ng mga kasama.

Agad na nakita ng dalaga ang kotse ni Drew na nakapark sa tapat ng Metro Bar. Dali-dali siyang lumapit doon. Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya ng pinto.

“Naks, para kang congressman sa porma mo ah?” Naka-barong pa kasi si Drew at black pants. Hinalikan niya ang lalake.

“Bagay ba?” natatawang wika ni Drew. “Hindi na ako nakapagbihis pagdating kanina sa Malacanang. Kinuha ko lang ang kotse saka dumiretso dito. Baka kasi matapos ng maaga ang show niyo at wala kang kasamang umuwi.

“Actually, niyayaya sana ako nina Joyce na mag-SPA kami. Inaabangan nga nila kung darating ka daw.”

The Cavaliers: DREWМесто, где живут истории. Откройте их для себя