CHAPTER FOUR

13.1K 283 2
                                    

CHAPTER FOUR

ANG akala ni Stella ay hindi na niya uli makikita ang lalakeng nakilala sa Malate. Kaya naman ganun na lang ang gulat niya nang makita niya ito sa lobby ng building kung saan siya nagtatrabaho.

“Anong ginagawa mo rito?” Mag-aala-una palang ng hapon, papasok pa lang siya sa trabaho. Naka-baby pink siya ng blouse na maikli ang manggas saka maong pants.

Naka-jeans ang lalake at polo shirt na maroon. Nakangiti ito sa kanya. “Inaabangan kita.”

“Stalker ka ba?” Ganito ba ang profile ng mga stalker? Clean cut at mukhang mababango?

“Kung aaminin ko ba, magagalit ka?”

Natawa si Stella. Kakaiba ang humor ni Drew. Halatang sanay itong mambola ng babae.

“Paano mo nalamang dito ako nagtatrabaho?” Tiningnan niya ang relo. May ten minutes pa siya.

“I have my ways. Kung papayag kang makipag-dinner sa akin mamaya, sasabihin ko sayo.”

“Hanggang seven pa ako dito. Mapapanis ka sa paghihintay.”

“Sanay akong maghintay. Ano, dinner?”

“Tingnan natin.” Nagtungo na ang dalaga sa may elevator. Nakarating na siya sa office at nasa harap na ng computer ay nakangiti pa rin siya.

Paano nga kaya niya nalaman itong lugar? Curious talaga siya. Hindi naman siya nagbigay ng number. At di rin naman alam nina Joyce at nina Trixie kung saan ang day job niya. For the first time ay naintriga siya sa lalake.

Tatlo ang estudyante niya ng hapong iyun kaya halos hindi na niya namalayan ang oras. Bandang six thirty na nang makita niya ang oras. Naisip niya si Drew. Totoo kayang magdi-dinner kami? Ayaw man niyang aminin pero nakaramdam siya ng excitement. Impossible namang naghintay yun ng matagal.

Eksaktong seven ay nasa CR na siya at nag-ayos. Naglagay siya ng pulbo at lip gloss. Inayos din niya ang kanyang buhok at naglagay ng paboritong cologne. Hindi man siya nag-e-expect na naroroon pa nga sa ibaba si Drew, pero at least prepared siya.

“May date?” tanong ni Vangie, isa rin sa mga nagtuturo roon. Nauna ito sa kanya ng limang buwan doon pero naging magkaibigan sila ng babae kahit papano.

“Naku, wala akong date!” mabilis na tanggi niya. “Gusto ko lang magsuklay at buong hapon akong harassed sa mga estudyante ko. Simple lang ang mga words na ibinigay ko e parang nag-iiyakan na. Ang hirap daw!”

Natawa si Vangie. “Mas dapat ka nang makipag-date para hindi ka ma-stressed out sa mga estudyante mo. Alam mo naman ang mga yan, mahina sa English kaya kailangang tutukan at habaan ang pasensya!”

Matapos ayusin ang medyo nagusot na blouse ay nagpaalam na si Stella. Paglabas niya ng elevator ay agad na hinanap ng mata niya si Drew, pero wala ang lalake sa lobby. Sino nga naman ang maghihintay ng anim na oras?

The Cavaliers: DREWWhere stories live. Discover now