CHAPTER FIVE

10K 287 13
                                    

CHAPTER FIVE

MAHIRAP pala ligawan si Stella. Yun ang narealize ni Drew. Ilang beses na niya itong pinadalhan ng bulaklak sa bahay, sinundo sa office at pinuntahan sa event, pero hindi pa rin siya makahirit. Kahit anong parinig niya sa babae, deadma lang ito. Nagpainom tuloy uli siya sa Malate at naglabas ng sama ng loob. Kinantiyawan siya ng mga kasama na nawawala na ang asim niya sa mga babae at nalalaos na siya.

“Hindi ha. Mahirap lang talagang mapasagot si Stella!”

“Sige, bibigyan ka namin ng isa pang buwan. Pag wala pa ring nangyari, confirmed na talaga,” ani Jaypee.

“Confirmed na ano, sir?”

“Na laos ka na!” Nagtawanan pati sina Pasky, Emong at Jiggs sa sinabi ni Jaypee. “Kaya pagbutihin mo.”

Lalo tuloy siyang na-challenge na pagbutihin pa ang panunuyo kay Stella. Muli niya itong niyayang mag-dinner. This time ay sa Antipolo niya dinala ang babae. Doon ay kinausap niya ito ng diretso.

“May ayaw ka ba sa akin?” tanong niya matapos silang kumain. They were now having their dessert.

“Paano mo naman nasabing may ayaw ako sayo? What do you mean? Sa ugali mo?” Nakatingin ang babae sa coffee jelly na inorder nito.

“Well, parang ganun. Is there something about me na hindi mo gusto?”

“Bakit naman yan ang tinatanong mo?”

“Kasi almost three weeks na tayong nagkikita ng madalas pero parang….” He was at loss for words. Hindi mai-describe ng binata ang gustong sabihin kay Stella!

“Parang ano?”

“It’s like…. you don’t like me.”

“Gusto kitang kaibigan. Sasama ba ako sayo dito kung hindi?”

“Yun na nga e. Gusto mo akong kaibigan but I want us to be more than friends!” Nakita niyang natigilan si Stella. Hindi agad ito nakapagsalita. Sinamantala niya iyun para sabihin ang nararamdaman. “Hindi mo ba nararamdaman that you’re special to me? Hindi lang friendship ang gusto kong mangyari. Marami na akong kaibigan.”

“Ang hirap naman ng ganitong sitwasyon,” narinig niyang pahayag ni Stella. Sinundan iyun ng babae ng malalim na paghinga.

“Ano ang mahirap? Mahirap ba akong mahalin?” Kapag tumango ang babae ay tuluyan nang babagsak ang self-esteem ng binata. Ngayon lang siya nakipag-diretsahan sa isang babae tungkol sa nararamdaman niya!

“No, it’s not that. Madali ka ngang mahalin. It’s just that….. ayokong makipag-relasyon.”

“Ha? But why?” May commitment issue ba ang babae? May trauma ba ito? Gusto na niyang sabihin ang naglalaro sa isip niya because he would willing to adjust kung ano ang gusto ni Stella, as long as maging sila.

“There’s something….. there’s something about my family.”

“Bakit? Anong meron sa pamilya mo?”

“May sumpa sa pamilya namin. Hindi ako puwedeng mag-asawa.”

Hindi agad nakapagsalita si Drew. Tama ba ang narinig niya? Sinabi ni Stella na may sumpa ang pamilya nila at hindi siya puwedeng mag-asawa? May ganun ba in the first place?

“That’s…. that’s crazy. Hindi yan totoo, right?” aniya nang makabawi. “Paano nagkakaroon ng sumpa sa pamilya? Is it like a curse?”

Tumango si Stella. Hindi na nito kinain ang dessert dahil tila nawalan na ito ng gana. Kumuha ito ng tubig at uminom.

“Paano nangyari iyun? I mean…. This is the 21st century. Computer age na tayo tapos naniniwala ka pa rin sa sumpa?”

“I’m sorry, Drew. Yun ang totoo. Kaya hindi ako puwedeng makipagrelasyon. Hindi rin ako puwedeng mag-asawa.”

“Pero unfair naman yun!” protesta niya. “Sino naman ang pasimuno ng sumpa na yan?” Sa loob-loob ni Drew ay ibibitin niya talaga ng patiwarik ang nagpauso ng sumpa!

“It’s hard to explain. Sa’yo ko nga lang sinabi ito dahil ayokong magsinungaling. Pero yun ang totoo. Ang mga babae sa pamilya ng nanay ko, maagang nabibiyuda. Ang mga babae naman sa pamilya ng tatay ko, nagiging matandang dalaga dahil laging hindi nakakatuluyan ang kanilang mga naging nobyo.”

“B-bakit ganun?”

“Sabi ng lola ko, uso daw talaga ang sumpa noon sa kanila. N-namatayan na ako ng nobyo dati… kaya natatakot na ako.”

Shocked ang binata. May ganun ba sa Pilipinas? Parang gusto niyang puntahan si Madam President at magrequest ng bagong batas na ipagbawal ang sumpa sa Pilipinas! Nakakasira kasi ng lovelife!

“Pero hindi naman na siguro effective ang sumpa. Meron sigurong pangontra or something.” Deep inside, he was willing to believe anything, kung yun lang ang paraan para mawala ang sinasabing sumpa ni Stella.

“Hindi ko alam. Ayoko nang mag-take ng risk. Kaya nga gusto ko, maging magkaibigan na lang tayo. Kung hindi mo kayang tanggapin yun, wala na akong magagawa. Ayokong may mapahamak na tao dahil sa akin.”

“Hindi ako mapapahamak, I swear. Kaya kong pangalagaan ang sarili ko.”

“Drew, please.” Nakita ng binata na may namuo nang luha sa mga mata ni Stella. Naawa naman siya sa babae kaya hindi na siya muling nagsalita.

Nakababa sila ng Maynila na hindi nagkikibuan. Hanggang sa maihatid niya sa apartment nito ang babae ay wala silang imikan.

Matutulungan kaya ako ni Madam Auring sa problema kong ito?

The Cavaliers: DREWWhere stories live. Discover now