CHAPTER TWELVE

10K 266 11
                                    

CHAPTER TWELVE

GUSTONG matawa ni Stella sa sinabi ni Drew. Paano ba niya makakalimutan ang lalakeng ito? Hiniwalayan na niya at itinaboy, eto at manliligaw pa uli.

Oo nga at iniyakan niya ng husto ang ‘pagkawala’ nito. Akala talaga niya ay namatay ang lalake sa helicopter crash. Kaya sa sobrang dalamhati niya ay nahiling niya na buhayin lang ang lalake ay hihiwalayan niya ito- na buhay naman pala. At wala siyang choice kundi tumupad sa ipinangako sa simbahan! Nang araw na umalis si Drew ay magkahalong lungkot at tuwa ang naramdaman niya. Natuwa siya na buhay ito, at the same time ay nalungkot siya dahil kailangan niyang makipagbreak. Lumuha uli siya ng husto pero after several days ay okay na siya. Ang lagi na lamang niyang iniisip ay ang magagandang pinagsamahan nila ng lalake.

Winarningan na siya ni Mavi na hindi ang tipo ni Drew ang basta na lang susuko or maggi-give up sa isang relasyon. Sinabihan na siya nitong babalikan siya ng lalake. Pero hindi siya naniwala dahil alam niyang walang binalikan si Drew sa mga naging girlfriend niya in the past. Pero eto at nasa harap niya ang lalake.

“We can start again,” narinig niyang pahayag ni Drew. “Parang sa computer. Magre-restart tayo. O kaya ay reboot. Or kung sa PMA ay turn back- uulit ng panibagong academic year.”

Hindi pa nakuntento ang lalake, lumapit ito sa kanya. “Stella, sana tayo na lang. Tayo nalang uli.”

“Me ganun?” hindi na niya napigilan ang matawa. And deep inside ay natutuwa siyang nasa harap niya ngayon si Drew. “Tigilan mo na ang kakagamit ng mga lines mula sa One More Chance! E mas guwapo ka naman kesa kay Popoy.”

Natawa rin si Drew sa sinabi niya. Pero mayamaya ay sumeryoso uli ito.

“Nagawa naman nating magkaroon ng magandang relasyon di ba? Puwede nating panindigan. Please, tanggapin mo na uli ako. Sasamahan pa kitang magdasal or magnovena sa simbahan.”

Tumayo ang dalaga saka nagtungo sa kusina. Kumuha siya ng dalawang baso saka isang pitsel ng tubig at dinala iyun sa sala. Umupo siya at nagsalin ng tubig sa mga baso. Kinuha niya ang isa at uminom, saka muling nagsalita.

“Natatakot pa rin ako sa sumpa, Drew. Hindi mo kasi alam ang pinagdaanan ng nanay ko at ng mga tiyahin ko.”

“Kung gusto mo, sasamahan pa kita sa inyo. Pupunta tayo doon para hanapin ang pinagmulan ng sumpa na yan na sinasabi mo para matigil na.”

“Paano tayo pupunta sa amin e ang hirap nga ng schedule mo.”

“E di hihingi muna ako ng bakasyon. Puwede naman akong magpaalam dahil madami pa akong leave na hindi nagagamit.” Nasa mukha ni Drew ang determinasyon kaya naantig ang puso ng dalaga.

“Saka kung kinakailangang maghanap tayo ng albularyo or mag-alay tayo ng baka para sa ikatitigil ng sumpa na yan, gagawin ko,” dugtong pa nito.

Ano pa nga ba ang magagawa ni Stella e masyadong convincing ang lalake?

The Cavaliers: DREWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon