Chapter Nineteen

726 6 4
                                    

CHAPTER NINETEEN – THE PLAN TO SAVE THE PRINCESS

__________________________________________________________________________

DANIEL’S POINT OF VIEW

“Ikaw ang kinuha ni Joylyn?” Kung hindi ba naman talaga kami minamalas, oo. Si Guerrero?! Napatingin ako kay Greg na poker face lang. Hindi ko alam kung naalala pa niya ang mga nakaaway naman sa Batangas.

Ngumiti lang ang creepy’ng Dark Lord.

“Oo nga pala, may atraso ka pa sa mga tauhan naming kasama yung sidekick mong kalbo.” Tiningnan nito si Greg. “Ikaw ba ‘yun?”

“They should have answered our questions right away. Sana di sila nabugbog.”

Napangisi ako. Marunong nang sumagot si Kalbo, ah.

“Nakipag-away ka?” sabad ni Tintin. Greg just shrugged.

“Anyway, for my lady, I’ll let that pass.”

“Can you please stop calling me that?”

“Old habits are hard to die, my lady.”

“Pagpasensyahan mo na ‘yan, Joylyn. Retarded kasi yang si Guerrero mula sa Medieval Ages.”

“So, may plano ba tayo para iligtas si Kyla?”

“Lily, kung may plano, hindi kayo kasali doong mga babae. Masyadong delikado. Hindi ko kayo mapo-protektahan.”

“We don’t need protection,” sabi naman ni Tin.

“Christina, huwag matigas ang ulo.”

“KJ much.”

Napabuntong-hininga si Joylyn at may inilabas na mapa. “Heto nga pala ang mapa ng buong headquarters na pinagdalhan sa atin ni Kyla at ang schedule ng mga meetings nila sa loob ng isang linggo.”

Napatingin ako kay Joylyn at hinablot ang papel. “Paano napunta sa ‘yo ‘to?”

“Kasama sa plano naming hindi natuloy,” ani Joylyn. “Ibibigay ko sana ‘yan sa Dark Lord para siya na ang bahala pero ngayon, hindi ko alam kung may silbi pa ‘yan.”

“Wow! Paano mo ‘yan nakuha?” tanong ni Tin.

“Para lang ‘yung trick na ginawa ko dati,” paliwanag naman ni Joylyn. Binasa ko naman ang papel na inilabas niya. May familiar na pangalan doon. Facundo Baltazar.

Lily, di ba Facundo Baltazar yung kumidnap kay Tin?

Siya nga ‘yun. Bakit?

Tauhan siya ni Gurang. Kaya pala mukhang hindi umaalma si Cortez.

Ugh! Paano ‘yan ngayon?

Pag-usapan natin ‘to kapag wala na si Guerrero. Ako na ang magsasabi kay Joylyn kung anong sasabihin niya sa alalay niya.

KYLA’S POINT OF VIEW

Ano bang trip ni Gurang?

Sumuko naman ako nang maayos sa kanya at nagpaalam nang maayos sa kanya. I even offered myself to be tortured para malaman nilang clear ako. Kahit naman paano, loyal ako sa kanya kahit na ang OA niya sa ranggong binigay niya sa akin.

Pero anong napala ko?

Heto, parang batugang nakahilata sa sofa ng mansion niya sa Greenhills at naghihintay ng isang linggo para makapag-transfer sa ibang school. Ayaw niya akong pakawalan. Kapag daw tumakas ako, babalikan niya sina Lily at Joylyn. Pati na rin ang tita kong walang paki sa akin. Binigyan pa ako ng anino.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mind LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon