Chapter Thirteen

958 14 8
                                    

THE SECOND INGREDIENT

___________________________________________________________________________

LILY'S POINT OF VIEW

Malaki ang respeto ko kina Tin at Papa G. As in. I mean, nakagawa sila ng isang substance na hindi pa nagagawa ng kahit na sinong scientist sa buong mundo at the age of fifteen. Pero seryoso ba sila sa pinagsasabi nila sa amin ngayon?

"Tin, gayuma, seryoso?!" Gaya ko, hindi rin makapaniwala si Daniel.

"You heard us, right," sabi ni Papa G. Tumango naman si Tin bilang pag-sang-ayon. "Gumamit kami ng gayuma sa substance. So we thought that we might need the opposite of that love potion to reverse the link."

 "How sure are you na effective nga ang gayuma na yun?" tanong ko.

"Lil, tinatanong pa ba 'yan?" ani Tin. "You and Daniel are the perfect example na tumalab ang gayuma."

Namula ako so nag-isip ako ng maiko-comment to save face. "So ibig ninyong sabihin, meron talagangg substance na pwedeng magkontrol sa mga involuntary parts ng katawan ng tao? Akala ko kasi, naglabas lang ng hormones ang hypothalamus para mag-survive kami."

"Well, sa case ninyo ni Daniel, parang p-in-ush lang ng gayuma ang hypothalamus para maglabas ng hormones na magiging attracted kayo sa isa't isa. Pwede kasing ang gawin niya eh ang magalit kayo sa isa't isa," sabi ni Tin. "Pero kapag na-reverse natin ang gayuma, walang assurance na mawawala rin ang nararamdaman ninyo."

"Bakit kailangan pa nating hanapin iyon kung hindi naman pala matatanggal ang attraction namin ni Lily sa isa't isa?"

"Well, it's a gamble," ani Papa G. "Pwede nating huwag kunin to kung ayaw ninyong---alam ninyo na."

"Of course, gusto kong maalis siya!" napalakas na sabi ko. Nagtinginan tuloy ang mga tao sa fastfood. Binabaan ko ang boses ko. "I mean, we're not supposed to feel like this in the first place."

"Ang sakit naman nun, babe." At napahawak pa talaga si Daniel sa dibdib. "Hindi ba ako mabuting boyfriend sa yo?"

"Sa pagkakaalam ko, hindi mo ako girlfriend. Tumigil ka nga diyan!"

"Speaking of boyfriends and girlfriends, are you both on a relationship before this happened?"

"Hindi noh," sagot ko.

"Ay, oo. Hindi lang isa, pare. Kaya lang para sa bubwit na to, nakipag-break ako sa kanila."

"Sorry naman."

"Well, madali namang remedyuhan yan." After that, kumindat si Daniel.

Anong ibig niyang sabihin dun? Makikipagbalikan ba siya sa mga babaeng 'yun? I mean, aside from the incident in MOA, I never gave in to his advances kahit flirty lines lang naman 'yun. At least, sa mga yun, he can get physical.

I suddenly imagined Daniel and a faceless girl, kissing passionately and telling sweet nothings. It looked so romantic but I didn't like it. Not one bit.

"Okay ka lang, babe?" Ang concerned na boses ni Daniel ang nagpauntag sa akin. Binalingan ko siya.

"Oo naman," sabi ko na may kasama pang ngiti. Sana lang di halatang pilit iyon.

"Sure ka?" tanong pa nito. Nakangiting tumango na lang ako. Alangan namang sabihin ko sa kanyang nasaktan ako sa mental image niya na nakikipaglandian sa ibang babae?

"Anyways..." Binalingan ko na lang sina Papa G at Tin. "Saan natin makikita ang reversal ng gayuma na yan?"

"Well, nakita namin ang gumawa ng gayuma na yun sa Capiz," sagot naman ni Papa G. "So pwede nating makuha ang reversal nun sa gumawa."

Mind LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon