Chapter Five

1.4K 24 10
                                    

Since may pag-uusap sa pamamagitan ng isip ang mga main characters, pakitandaan na lang yung reminder na nakalagay sa previous chapters. Thank you! :)

Sina Greg and Tin yung nasa gilid. Imagine-in ninyo na lang na kalbo yung guy, siya si Greg :P

__________________________________________________________________________

PAPA G

__________________________________________________________________________

LILY'S POINT OF VIEW

Mukhang nawawala na ang side effect ng pag-iiwasan namin. Buti naman.

Nararamdaman ko na ang unti-unting pagluwag ng yakap sa akin ni Daniel at nakakaramdam na rin ako ng pagkailang sa pagkakalapit naming dalawa. Yep. Mukhang epekto rin ng 'side effect' ang pagiging komportable ko kanya. Kanina, habang nagririgodon pa ang mga hormones ko (oo, hormones yun!) hati ang dinidikta konsensya, isip at katawan ko.

Sabi ng konsensya: itulak si Daniel.

Sabi ng isip: go with the flow.

Sabi ng katawan: pagbigyan ang hormones.

Two versus One. Majority won.

And that was what happened.

Curse this stupid link!

DANIEL'S POINT OF VIEW

Nararamdaman ko na ang pagkawala ng epekto ng side effect. Humuhupa na ang atake ng hormones kaya niluwagan ko na ang pagkakayakap ko kay Lily. I heard her sigh. Poor girl.

"Lily, gutom ka na?"

"Bakit? Iliibre mo ba ako?"

Umaangat ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Lily. "Nagtatanong lang, ililibre agad?"

"Joke lang," sabi nito. "Halika na."

"Aha! Ikaw ang manlilibre sa akin?" panunukso ko sa kanya at inalalayan siyang bumaba.

"Neknek mo!" Binelatan pa niya ako. Isip bata rin pala ang nerd na 'to. Sinipa niya ako at tiningnan nang masama. Ano na namang ginawa ko?!

Narinig ko yun.

Ooops. Silly me.

At talagang walang bahid ng pagsisisi.

Kailangan ba 'yun?

Hmp!

Natawa ako. This girl!

"Hay naku, Lily babes. Sige na, sagot ko na ang date natin."

Sumimangot siya. "Excuse me lang ha. Hindi po ito date."

"Eh ano pala ang tawag dito? Meeting?"

"Alam mo naman pala eh." And she rolled her eyes. Girls! "Anyway, saan mo ako pakakainin?"

"Gusto mo sa McDo?"

"Game!" sabi niya at nagulat ako nang bigla siyang tumakbo. "Ang matalo, may consequence!"

Oh! So gusto palang maglaro ng bata. Eh di pagbigyan.

Nagsimula na akong tumakbo upang habulin ang isip batang nerd.

Babe, basta wag kang iiyak mamaya.

LILY'S POINT OF VIEW

Sinimangutan ko ang nakangising si Daniel nang bumalik siya dala ang orders namin. Hindi pa rin ako maka-get over sa pagkatalo ko sa 'race' namin kanina na ako ang nag-initiate. Partida na nga at nauna pa ako ng ilang seconds sa kanya, natalo pa ako. Bitter much lang ang peg ko.

Mind LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon