Chapter Nine

1.2K 26 12
                                    

THE BATANGAS ESCAPADE

___________________________________________________________________________

DANIEL'S POINT OF VIEW

I, Charles Daniel Agoncillo, the leader of the ferocious Alpha Beta Gang is currently facing a dilemma I have never experienced before. I have faced a lot of battles in the past and believe me when I say that most of them, I risked my life. I have fought strong leaders and fighters both physically and emotionally and I didn't lose. I have experienced the brutal tortures a fifteen-year old wouldn't even know they existed. But I didn't even beg for them to stop.

Pero bakit isang babaeng nerd lang na nagta-tantrums, hindi ko ma-handle? I pestered her, bribed her, damn! I even begged but still, my Lily baby refused to talk to me. I know, I shouldn't care but her avoiding me was bothering me. But still, a decision has been made. Hindi sila sasama sa amin ni Greg sa Batangas. Mapanganib masyado. Hindi pwede.

"Ano, kinausap ka na ba?" untag sa akin ni Greg. Nasa bus kami sa kasalukuyan papuntang Lipa.

"Hindi pa nga eh," sagot ko. "Ikaw pare?"

"Nagtatampo pa rin," napabuntong-hiningang sabi nito. "Ni hindi sinasagot ang mga texts ko tapos si Lily pa laging sumasama ngayon."

"Bakit ba kasi hindi maisip ng mga babaeng iyon na para sa kanila rin naman ito? Paano kung mabulilyaso tayo? E di mapupunta pa tayo sa presinto at baka masira pa ang record nila sa school eh parehong running for honors iyon."

"Ikaw ba walang pakialam dun, Daniel?"

"Mukha ba akong may pakialam dun?" balik-tanong ko. "Eh ikaw? Ikaw ang top one ngayon. Bakit ka sumama? Hindi ka ba natatakot?"

Nagkibit-balikat ito. "Pare, may posibilidad na makakaharap tayo ng sindikato dito. Tingin mo ba ipapahamak ko si Tin para lang mapangalagaan ang pagiging number one ko sa school?"

 Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na sumagot.

***************

Sa wakas nakarating na rin kami sa destinasyon namin. Ayon kay Greg, iyon daw ang address na na-dekwat niya sa tatay niya. Ang problema, off limits ang lugar. May mga naggu-gwardya pa nga doon na mga armado. Napaghahalataan.

"Kapag minamalas ka nga naman, oh!"

"Let's approach them first, Daniel. Malay mo, papasukin tayo."

"Alam nating pareho kung anong meron sa loob. Tingin mo papasukin nila tayo?"

"You have a point, there."

Marahas akong napabuntong-hininga.

"Ang mabuti pa, magtanung-tanong muna tayo tungkol dito sa..." Binasa ko ang nakasulat sa sign board. "...Hacienda Allegro. Kailangan nating makapasok sa loob."

Tumango naman ito.

At iyon nga, naghanap kami ng mga taong mapagtatanungan. May nakita kaming grupo ng mga gangster sa isang sulok. I noticed it because of the tattoo of the wings of an angel. Dark Angel Gang. Grupo ni Leon Guevarra. Mukhang mapapalaban kami. Mayayabang ang member ng gang ni Leon. At mga bayolente.

"Greg, kung may mangyayaring rambol, handa ka bang makipagbasagan ng mukha?"

"Hindi ako lampa, Daniel. Lalaban ako sa mga iyan kung sa kanila natin makukuha ang impormasyong kailangan natin."

 "Good. Let's go!"

Nilapitan na namin ang mga tambay. Dahil nagkakagulo sila over some magazine, I cleared my throat so I can have their attention.

Mind LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon