Chapter Seven

1.4K 24 36
                                    

CAUSE AND EFFECT

___________________________________________________________________________

LILY'S POINT OF VIEW

In fairness, bihasang bihasa sina Papa G (Greg) at Jowa (Tin) sa pagpuslit. Matapos naming magkita sa National at konting chitchat, agad kaming nagpunta sa sakayan. Pupunta na raw kami sa office ng tatay ni Papa G sa Makati. Alam na alam ng dalawa kung saan kami dadaan na walang makakakita sa amin. Sila rin ang nag-disable ng mga hidden cameras doon.

"Nasaan ang mga nagtatrabaho dito?" Natanong ko na lang nang makapasok na kami. Nakaka-amaze ang dalawang ito sa puslitan.

"Maagang nagsiuwi," pag-inform naman ni Papa G. "Nakita ko sa DTR nila."

"Paano?"

"Malamang h-in-ack," sabi naman ni Daniel. Napatingin ako sa kanya.

"Pwede iyon?"

"Malamang," nakangising nitong sabi. "Babe, ang mga ganitong klseng opisina, expect mo nang computerized lahat 'yan. Having some exellent skills, madaling ma-access ang mga confidential data gaya ng attendance."

Tumango si Papa G. Napailing na lang ako. Sino bang mag-aakala na ang crush ni Joylyn na akala mo ubod ng disente, hacker pala?

"We're here," anunsyo ni Tin.

Tumambad sa aking paningin ang isang malawak na opisina na may machine na parang sa CT scan kung saan pwede kang humiga. Meron yung parang helmet. That must be the fMRI machine.

"Ano, let's begin?" tanong ni Tin. Pansin ko sa magjowang 'to, si girl talaga ang parang spokesperson.

"Ready na kami," sabi ni Daniel. "So, how are we gonna do this?"

In-explain naman siya ni Tin. Ganito daw: isa sa amin ang sasalang sa machine. Naka-up daw muna ang guard namin. I-scan yung brain. Then, pagsignal, pareho naming tatanggalin ang wall. (Sinabi na kasi namin ang tungkol doon sa kania beforehand.) For ten minutes, mag-uusap lang kami ni Daniel using the link. Then, another five minutes naman eh tatanungin iyong hindi nakasalang tapos sasabihin nung nakasalang yung sagot.

Of course, the test began.

Si Daniel ang unang sumalang kasi siya raw ang unang uminom ng substance.

TIN'S POINT OF VIEW

The test went well and we discovered something all right. And it's something I want to be glad about but no. I mean, obviously, the substance had a major impact for both Daniel and Lily. It's not fair na dahil sa kapabayaan namin ni Greg ay sila ang mag-suffer. Kaya kailangang may magawa kaming antidote to reverse the effect of the link.

When it comes to brain, marami kaming alam ni Greg. Pang-professional pa nga ang level niyon. My dad was a surgeon and his dad was a researcher na ang focus ay tungkol sa brain activity. That was why we are both fascinated by how the mind works. At iyon ang nagtulak sa amin upang gawin ang experimentong ito kasama ng ilang personal issues ko.

You see, my mom and dad were always fighting everyday. May babae daw si daddy, may lalaki raw si mommy. Mas mahal daw ni daddy ang work niya kaysa sa amin, mas inaatupag pa raw ni mommy ang pagsa-shopping kaysa ang alagaan kami ng sister ko. At kung anu-ano pa. Shocks! Nakakarindi na silang dalawa at naaapektuhan na ang little sister ko.

And when I was about to suggest annulment (See? Ako pa na anak nila ang nagsa-suggest ng annulment), I discovered something. They still love each other. Hindi lang sila magkaintindihan. Iba kasi ang sinasabi ng puso nila sa ikinikilos nila. Ugh! Adults!

Mind LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon