Chapter Seventeen

425 8 3
                                    

CHAPTER SEVENTEEN – LEON

 ____________________________________________________________________________

LILY’S POINT OF VIEW

All who know me too well will agree that I may be naïve but I am very perspective. I tend to analyse things that seem trivial to other people. It is both a gift and a curse, I tell you. Yes, useful ang pagiging keen observer ko pagdating sa mga school projects and assignments. Pero sa mga sitwasyon katulad nito, hindi.

Papa G may have noticed it. Tin may or may not have. Yaya Marina is obviously oblivious to what is happening. The heated glares, the meaningful looks and the talking-in-riddles thing… Yes. Nangyayari siya ngayon sa hapag-kainan.

Pinatuloy kami ni Yaya Marina. And no, hindi siya nagtanong. Mukhang nabigyan na siya ng idea ni Papa G sa reason kung bakit bigla kaming nakiki-crash sa kanila. All was well until his son came. That Marlon… Nang dumating siya, agad kong napansin ang mabilis na pagpapalitan ng sulyap nina Kyla at Daniel. At bagaman, civil ang pakikitungo sa amin ni Marlon, hindi nakakaligtas sa akin ang mga sarkastiko niyang ngiti at masasamang tingin na pinupukol niya kay Daniel.

“Siyangapala, anong gagawin ninyo sa anti-gayuma na pinagawa ninyo kay Nanay?” tanong ni Marlon.

“Hindi ba nasabi sa ‘yo ni Aling Marina?” sarkastikong sabi ni Daniel.

“Gumagawa lang ng usapan, totoy.”

Daniel smirked.

Uy, Daniel, sino ba ‘yang Marlon na yan?

Hindi ako pinansin. He is someone. Kalaban niya at connected kay Kyla. That, I’m sure.

He’s not what you think he is, Lily.

Weh? Hindi nga? Kanina ko pa kayong napapansing tatlo. Kanina pa kayo nag-aasaran.

Okay, okay. He’s something. So, avoid him.

Fine. Ano, humupa na ba ang galit mo sa tatay mo?

Matagal na akong galit sa tatay ko. Hindi basta-basta maaalis ‘yun.

Sabi ko nga.

Natapos na rin kaming kumain. Inihatid kami ni Aling Marina sa kwarto namin. Kami nina Kyla at Tin, sa isang kwarto na hindi na nagagamit. Sina Daniel at Greg naman, dun sa kwarto ni Marlon matutulog.

DANIEL’S POINT OF VIEW

I appreciate Aling Marina’s kindness, really. Pero kung alam ko lang na sa kwarto ng Marlon na ‘to ako makikitulog ngayong gabi, gumawa na sana ako ng paraan. Hindi ako papayag na ma-third degree ng isang ‘to. Kaya naman nang makatulog na si Greg ay agad akong umeskapo. Hindi ko na pinansin ang lintek na commander ng matandang founder ng COLT.

Laking gulat ko nang makita ko si Lily sa sala na may sinusulat na kung ano. Para siguro sa project niya na sa fourth grading pa naman ipapasa.

“Bakit hindi ka pa natutulog?”

“Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?”

“At talagang ibinalik mo sa akin ang tanong, ano?

“May valid reason ako kung bakit pa ako gising ---“

“Valid reason ba ang pagpupuyat para sa project na sa fourth grading pa ipapasa?”

It’s not for that.

E, para saan?

I kinda figure out the whole scheme, Agoncillo. Alam ko na hindi mo kamag-anak ang may-ari ng bahay na tinutuluyan natin. At alam ko rin na trouble ang kakaharapin ni Kyla sa pagbabalik natin sa Makati.

What do you mean?

You said it yourself. The less we know the better. Saka, gising ako nang dumating ang sugo ng gang ni Kyla. Hindi lang nila ako namalayan.

Lily, leave it to Cortez. Alam niya kung paano malulusutan ang gusot na ‘to.

Hindi ko pwedeng hayaan na lang na si Kyla ang gumawa ng lusot. Damay na siya sa gusot ko. Kaya tutulungan ko siya sa problema niya.

You can’t do anything, Lily. Kung ako nga na gang leader, hindi ko mapatumba ang gang ni Kyla, ikaw pa kaya.

Just goes to show na wala kang tiwala sa akin.

I’m just saying na hindi mo ‘to magagawa nang mag-isa.

Sinong nagsabi na gagawin ko ‘to nang mag-isa?

What the hell do you mean?!

Hindi lang kayo ni Kyla ang may kilalang gang.

Then, she put a barrier.

“Lily, kung anuman yang binabalak mo, huwag mo nang ituloy.”

“Too late, Daniel. The plan is already in motion.”

Manila, Philippines

JOYLYN’S POINT OF VIEW

“Anong oras ba darating ang boss mo?”

“Malapit na ‘yun, pinsan,” sagot naman ng kausap ko. Kasalukuyan kaming nasa isang fast food chain. Sa totoo lang, hindi naman talaga ako nagpaalam na pumunta ng Capiz. Nang marinig ko sa isa sa mga pinsan ko ang tungkol sa Dark Angel Gang kung tawagin, kinulit ko na ang mga ito tungkol sa pakikipag-meet sa tinatawag ng mga ito na “Dark Lord.” Hindi naman siguro ako ipapahamak ng mga pinsan ko, di ba?

“Ano ba ang kailangan mo sa Dark Lord, Joylyn?”

“Basta.”

“Pero bilib din naman ako sa ‘yo, pinsan. Ang lakas lang ng confidence mo na tutulungan ka ng bossing naming.”

“Excuse me lang, ha, Baldo. May ibabayad ako sa boss mo.”

“And what would that be, Miss Joylyn?”

Napaangat ang tingin ko sa pinagmulan ng boses. Matangkad na lalaki iyon, Moreno, gwapo, at may aura siyang mapanganib. Nakangiti ito sa amin ng pinsan ko.

“Boss!”

“So, you are the Dark Lord,” sabi ko. “Please take a seat.”

“Oh, please call me, Leon,” sabi nito na in-extend ang kanang kamay sa akin, makikipag-shake hands ba. Tinanggap ko naman iyon. Kinuha niya iyon at dinala sa mga labi niya. Feeling ko tuloy, nagbalik ako sa Renaissance Period. “It’s a pleasure to meet you, Miss Joylyn.”

_________________________________________________________________________

And that's it! Thank you sa mga nagbasa ng last chapter.

Vote and comment if you like this chapter.

Mind LinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon