BTS 135- New Zealand; New beginning

119K 1K 178
                                    

DJ's P.O.V

Maaga akong nagpunta kina Kath para sunduin sila. Flight namin ngayon papuntang New Zealand. Actually isa lang show ko after nun uwi na ako si Kath naman mags-show pa sa Australia. Gusto ko pa sana siyang samahan hanggang Australia kaso kailangan kong bumalik agad para sa P-Pop Love Songs 2014 kaya no choice ako.

Kamusta na kami ni Kath? Masaya na ako ngayon kasi at least tinatawag na niya akong baby at nag-a I love you na siya sa akin. Kaso hindi talaga gaya ng dati na sinasabi niya sa akin yun kapag nanlalaming ako. Ngayon kasi maswerte na ako kung nag I love you siya sa akin ng isang beses sa isang araw. Pero hindi naman ako nagrereklamo, okay na yun sa akin. At least naakbayan ko na siya, nayayakap, nagli-lean na siya sa akin, may beso at minsan may holding hands. Ngumingiti na nga rin siya ngayon tuwing pipicturan ko siya eh, nagwawacky pa. Yun nga lang, hindi ko pa nakitang sinuot niya yung heart necklace na binigay ko nung sinagot niya ako. Yun nalang talaga ang hinihintay ko para masabi ko na okay na, naka move on na siya sa mga kag*han ko.

Nandito kami ngayon sa airport naghihintay. Habang naka upo kami, si Kath sobrang busy sa ipad niya. Naglalaro siya ng 'dumb ways to die' at binabrowse niya yung pictures niya habang pinapanood ko lang siya. Natatawa nga ako sa kanya kasi nags-slouch pa siya sa couch. Pinapagalitan siya ni tita Min pag gumaganun siya kasi naka bukaka pa talaga siya parang hindi babae.

Mama Min: Kathryn anak umayos ka nga ng upo mo. Wala ka sa bahay ha. Mamaya may makakita sayo sige ha. Sige lang.

Kuya Dho: sige pipicturan kita Kath.

Ryan: Post mo sa IG kuya Dho.

Kath: *giggling* Go kuya Dho picturan mo na ako. *mas ginawang malala ang pag slouch*

Kuya Dho: Wag kang mag-alala Kath kanina ko pa naipost yung picture niyo ni DJ.

Kath: *gulat* *upo ng maayos* Kuya Dhooo!

DJ: *giggling*

Mama Min: Umayos ka ng upo diyan. Para kang tomboy oh. Mas malala pa yung upo mo sa upo ni DJ.

Wala nang nagawa si Kath. Nagcross legs siya tapos tinuloy yung ginagawa niya. Tahimik lang akong nanonood sa ginagawa niya. Napansin naman niya na tahimik ako.

Kath: *tingin kay DJ*

DJ: *smile*

Kath: You okay? *tingin sa ipad*

DJ: *nod* Uhum. Konti nalang perfect mo na yang dumb ways to die.

Kath: *giggle* *shake head* Nope. Hindi ko pa perfect yung pagbalance. Hirap.

DJ: Gutom ka na ba?

Kath: *shake head* Why?

DJ: Wala lang bilhan kita ng food gusto mo?

Kath: No thanks. You? Hungry ka?

DJ: Hindi rin. Kumain ako kanina bago ko kayo sinundo.

Kath: Ahh. Good.

Tumingin siya sa akin tapos binawi niya tapos tumingin ulit. This time tinititigan niya lang ako.

DJ: Bakit?

Kath: Cute ng Band-Aid mo *giggle*

DJ: Gusto mo? *smiling*

Kath: *tingin kay DJ* *shake head* Bakit ka ba nagkakapimples?

Tinititigan niya yung mukha ko na parang chinecheck niya kung may ibang parts pa ng mukha ko ang may pimple.

DJ: Bakit? Normal lang kaya ito. *hawak sa Band-Aid*

Behind the ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon