READ ME

59.5K 563 199
                                    

I changed my mind. Dito ko nalang pala ipopost ang SONA ko since I realized na hindi lahat ng readers member ng group sa fb. Chill lang kayo guys ha? Hindi ako galit. I'm doing this to clear things out. :*

Author’s SONA

Sino nga ba si Lorraine? I want everyone to know na ang buhay ko ay hindi lang nagrerevolve sa pagsusulat ng story na ito. I’m not a full-time writer. I’m also a student, a daughter, a sister, a friend, a classmate. Marami po akong ginagawa sa buhay ko. Marami po akong responsibilities. Hindi po ako nakafocus lang sa story na to at hindi ko pwedeng ifocus lang ang attention ko sa story na ito kasi hindi ko na magagawa yung iba pang responsibilities ko. Hindi ko po ito sinasabi para sa mga taong tanong ng tanong about ud. Okay lang po yun. Naiintindihan ko po na excited kayo sa mga next updates. ;)  Sinasabi ko po ito para sa mga taong umaabot na sa point na minumura ako, sinasabihan ako ng feeling artista/famewhore, snobbera, sinungaling at ng iba pang masasakit na salita.

Murahin niyo ako sige lang kahit yan ang isa sa pinaka ayaw kong ginagawa sa akin, pero make sure naman po na yung pagmumura niyo sa akin is may malalim na pinanghuhugutan hindi yung hindi lang nakaupdate ng 1, 2 or 3 months. Dahil uulitin ko po hindi ako full-time writer. Marami pa po akong responsibilities bilang Lorraine.

Feeling artista/ famewhore. I don’t know where this is coming from. Paanong naging feeling artista? Nagf-fansign ba ako? Nagpapagawa ba ako ng favors na ikakaangat ko? Ginagamit ko ba ang KathNiel para maging sikat ako? Sa pagsulat ko ba ng story na to naging famewhore/feeling artista ako? Paano? Hindi ko lang talaga magets eh. Please explain it to me. Naalala ko lang one time may nagsabi sa akin sa ask.fm na magpa followspree ako. Anong sabi ko? No. Ayoko HINDI NAMAN AKO ARTISTA, NI HINDI NAMAN AKO SIKAT. Isa pa ayokong sabihin nila ng feeling sikat ako pero nakakatawa kasi kahit pala hindi ko ginawa yun matatawag pa rin akong feeling sikat/ famewhore. May mga nagsasabi nga sa akin na, ‘Ate no. 1 FAN mo ako’ pero what do I call you? Friend, dear, bae. I treat you guys as my friends kasi ayoko yung nilelabel niyo yung sarili niyo as ‘FANS’ ko. Naaawkwardan ako kasi nga hindi naman ako artista nor sikat para magkaroon ng fans.

Snobbera. This is cute lol. I can explain my side sa part na to. Kasi I understand why some of you say na snobbera ako. Alam kong it is because hindi ako nagrereply tuwing tinatanong niyo ako kung kelan ang update diba? Tama ako diba? :D Yup aminado ako hindi po ako nagrereply tuwing nagtatanong kayo about diyan. Why? It’s either hindi ko nabasa tweet niyo, wala pa talagang exact date ng pagupdate, nagtweet na ako about dun or paulit-ulit kang nagtatanong. I just want to explain na hindi talaga ako nagrereply kapag hindi pa sure kasi ayoko yung hindi ako makakaupdate sa time na sinabi ko tapos maglilead to the 4 thing, SINUNGALING.

Sinungaling. How come? Lol. May connection pa ba to sa story? Okay how many times do I have to tell you na BEHIND THE SCENES IS MERELY A FAN FICTION. No more, no less. I’m not Kathryn. I’m not Magui. I’m not DJ, JC, Lester, Sed, JD, Katsumi, Shannen, Kevin, Roanna… nor I’m tita Carla Ford. Hindi ako nagsisinungaling kasi hindi naman talaga ako sila. Akala ko accepting you guys sa facebook will help para hindi niyo na ako pagdudahan pero natawag pa rin akong sinungaling. Well naiintindihan ko naman kapag nagjjoke lang kayo na ‘Si Kath siguro si Raine.’ ‘Umamin ka na ate' 'KathRaine' I understand na jokes lang yun actually nakikisabay pa nga ako diba? Pero calling me a LIAR is a big NO. HINDI AKO SINUNGALING.

I’m doing my best for this story para makahabol, para maupdate, para maging masaya tayong lahat. Hindi ko ineexpect na kahit ganun ang mission ko dadating pa rin pala sa point na may mga macocomment pa rin na masamai sa akin. Nalulungkot lang ako kasi after all makakatanggap pa pala ako ng bad words, matatawag pa akong feeling artista/famewhore, snobber at sinungaling. Nakakatawa lang talaga kasi minsan feeling ko iniinis nalang ako para magupdate pero hindi niyo ba alam na tuwing naiinis o nalulungkot ako mas lalong ayokong magupdate? Mas lalo akong nawawalan ng gana kasi guys aside from KN and others, you are my insipiration na ituloy-tuloy ang story na to. Pero paano ako magtutuloy kung yung inspiration ko mismo ang nagdedegrade sa akin?

Hindi ko kayo nilalahat dito ha? Alam kong naiintindihan niyo ako at alam kong mas marami dito ang mababait at never nasabi sa akin ito. Sa mga nagsabi sa akin ng mga bagay na to, alam niyo na kung sino kayong nagmemessage sa akin ng ganyan. Hindi ko na kayo nireplyan kasi ayokong makipagaway. Ayokong mas masira pa yung mga araw ko. Sorry kung kailangan ko pang ipost to. Kasi nakakalungkot lang na sobrang pagod ka na nga sa school, pagopen mo pa ng social networking sites puro ganyan ang mababasa mo. That’s also one of the reasons kung bakit halos hindi na ako nagbubukas ng mga messages niyo sa akin. Ayoko kasing masaktan. Ayokong magkaroon nanaman ng reason para sumuko na sa ginagawa ko kasi all I wanted is to make KN fans happy.

Sa brighter note naman, I thank all the readers na patuloy akong minomotivate para magsulat pa. I know mas marami kayo kesa sa mga nagpupush sa akin na sumuko na. You guys are the reason why I keep on writing. Love na love ko kayo. BTS tayo forever okay? Patuloy niyong intindihin si Lorraine kapag hindi siya nakakaupdate. Dadating din yung araw na madalas akong maguupdate hindi lang talaga kaya ngayon kasi ang hirap lalo na’t nasa crucial stage ako ng college life. Thank you ulit! I’m hoping na someday magki-kita kita tayong lahat. I love you all :*

Sorry kung lahat kayo nadamay pa.  Love ko kayong lahat kahit yung mga nang aaway sa akin. Alam ko siguro minsan naeexcite lang kayo kaya nasasabi niyo yun pero I have to explain my side. I have to tell you what I feel.

Thank you so much for your love, patience and understanding.

*Guys 12:00mn ko na ipopost yung question para sa followback ha? :) (Hindi naman siguro ako feeling sikat sa ginagawa ko no? Gift ko lang to sa inyo kasi super tagal niyo nang sinusuport ang bts :* thank you guys.)

BTS: Malapit na malapit na talaga. Prepare your hearts. 

-Raine.

Behind the ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon