BTS 119- #Kathryn18

142K 1.1K 522
                                    

First of all, sorry po kasi hindi nasunod yung date na sinet ko para magud. I’m so sorry po. Sa mga nagtatanong kung okay na po ako, medyo okay na po. Konting tumbling nalang po pwede na ulit makipagpuyatan hehehe joke lang.

Gusto ko rin po magshoutout sa mga members ng bts group chat sa WeChat. Hello girls! :) Kung gusto niyo po sumali punta lang po kayo sa bts group on facebook (https://www.facebook.com/groups/KNbts/). Pinost ko po sa group yung QR code. Thanks :)

Hello to Maxine Araral and Katia Alcober :*

So eto na po. I hope you enjoy! :) Don’t forget to leave your comments, suggestions or violent reactions. Thank you!

DJ’s P.O.V

 

Nandito na ako ngayon sa hotel, kumuha kami ng sarili kong room. Ayoko namang makisiksik ako sa room nila Kath. Hahaha. Nandito ako kasi si Kath sobrang pilit ng pilit sa akin. Gusto raw niya ako makita bago magstart ang debut niya. Hahaha joke. Ako talaga yung may gusto neto. Gusto ko katabi niya ako ngayon kasi obvious na obvious yung kaba niya. Gusto ko nandito lang ako. Naguguluhan na nga ako eh. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o natatakot. Hindi na nga niya alam yung ginagawa niya eh. Kanina pa ako buntot ng buntot sa kanya habang buhat si Snow. Palakad lakad siya kung saan saan. Tingin ng tingin sa mga nag-aayos ng venue. Nahihilo na rin ako sa kanya. Paulit-ulit kong sinabi na tumigil siya sa ginagawa niya. Magrelax kasi kung magpapanic siya mas lalo siyang mahihirapan pero hindi niya ako pinapakinggan. Umupo nalang ako kasi wala rin naman akong nagagawa. Parang gusto ko na nga siyang sigawan eh kasi nagpapanic siya. Tanong siya ng tanong sa mga nag-aayos kung matatapos daw ba nila agad. Baliw din talaga to eh. Ngayong gabi nila sinumulan, anong akala niya hanggang bukas ng gabi yung pag-aayos nila ng venue? Hahahaha! Binaba ko muna si Snow tapos naglaro ako ng Flappy Bird. Bago ako naglaro kinausap ko muna si Snow..

 

DJ: Diyan ka lang ha? Upo ka muna diyan. Maglalaro muna ang astig mong daddy ng Flappy Bird para may pang yabang tayo kay Sed ha?

Naka 326 na ako dito eh. Nagconcentrate talaga ako kasi naguungusan kami ni Sed dito. Kailangan ko pang maitaas yung score ko para mabilib nanaman sila sa akin. Habang naglalaro ako lumapit si Kath sa akin..

 

Kath: Nasan si Snow?

Nakatingin pa rin ako sa phone ko habang sinagot ko siya.

DJ: Diyan sa baba.

Kath: Saan?

DJ: Diyan. Ayan oh naglalaro.

Kath: SAAN?

DJ: Tsk. Andyan nga sa baba.

Kath: NASAAN SI SNOW?

DJ: *wushpak* (A/N: lol) *kamot sa ulo* Na-out tuloy! Ayan nga oh sa baba. *turo sa baba*

Kath: *smile* Okay. Turo mo nga sa akin kung saan ang Snow diyan?

Tumingin ako sa baba. Left. Right. Harap. Likod.

DJ: Nilagay. Andyan. Kanina nilagay ko. Naglalaro kasi ako.

Behind the ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon