BTS 132

61.9K 1K 534
                                    

Hello! Please inform me kung okay na :) Thanks! Enjoy!

DJ's P.O.V

Pagkatapos kong kumain ng breakfast kanina, nagulat ako sa taong pumasok sa kwarto.

DJ: Papa?

Papa Rommel: Oh anak kamusta?

DJ: *breathe deep*

Papa Rommel: Hindi ko ginustong pumunta dito para pagalitan ka anak pero dapat kang mapagsabihan.

DJ: Alam ko po. Naiintindihan ko.

Papa Rommel: Anong nangyari?

DJ: Dinemonyo ako pa.

Papa Rommel: *fake laugh* Anong dinimonyo? Anak sa pagmamahal walang demodemonyo. Ikaw yan. Desisyon mo yan.

DJ: Hindi po pa. May nagdemonyo sa akin. May nagsend kay Kath ng pinag-usapan namin.

Papa Rommel: Sino?

DJ: Hindi ko po alam pa. Basta ang alam ko isa kina kuya Kelvin. Kung hindi lang nila sinend yun edi sana wala akong problema ngayon.

Papa Rommel: Teka lang anak. Ibig mong sabihin kung hindi nila pinadala yun kay Kath okay lang? Ipagpapatuloy mo pa yang pagkakamali mo? Anak akala ko ba ikaw ang magpapatunay sa mga tao na nagbago na ang mga Padilla?

DJ: Opo pero pa hindi naman ganun eh.

Papa Rommel: Eh ano itong ginawa mo?

DJ: *sigh*

Papa Rommel: Oh sige anak ipaliwanag mo sa akin.

DJ: Pa mahal na mahal ko si Kathryn, kung yun ang pinagdududahan niyo. Alam kong mahal na mahal ko siya kahit na anong manyari. Siya lang pa.

Papa Rommel: Eh ano yung kay Jasmine?

DJ: Pa wala yun. Magkaibigan lang talaga kami. Isa pa may boyfriend siya pa at hindi ko talaga siya papatulan.

Papa Rommel: Hindi mo siya papatulan anak pero kinilig ka sa kanya?

DJ: Pa hindi ibig-sabihin na kinilig ako niloko ko na si Kath.

Papa Rommel: Oo anak. Alam ko naman yun. Hindi mo siya niloko pero nasaktan mo siya. Kahit sinong babaeng makatanggap ng video na yung kasintahan niya nagkukwento tungkol sa ibang babae at kinilig pa, masasaktan anak. Kaya hindi ko masisisi si Kathryn kung bakit ayaw ka niyang kausapin ngayon. Hindi ko rin siya masisisi kung gustuhin niyang makipaghiwalay sayo.

Pagkatapos sabihin ni papa yun. Naiyak ako. Oo ang tingin nila sa lalaki dapat hindi umiiyak dapat matigas. Pero pagdating kay Kath, hindi ko yata kayang magmatigas lalo na't hiwalayan na ang usapan.

DJ: Pa naging magkaibigan lang kami ni Jasmine dahil nagpatulong ako sa kanya ng mga pwede kong gawin para magbati kami ni Kath. *crying* Oo aaminin ko kinilig ako sa kanya dahil nakitahan ko siya ng kagandahan. Oo pa nakipagtextan ako sa kanya. Pero pa puros kamustahan lang ang usapan namin. *crying*

Papa Rommel: Anak kahit anong rason man yan. Kinilig ka kasi maganda siya, nakipagtextan ka pero kamustahan lang, kahit mababaw lang ang rason, mali anak.

Behind the ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon