BTS 111

180K 872 375
                                    

Kath’s P.O.V

 

Nagring yung alarm ko pinatay ko yun at dumiretsyo sa cr with my eyes half open. Grabe ang sarap matulog. Thank you Lord. Tinali ko yung buhok ko at nag wash-up na ako. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin.

Kath: Good Morning Kathryn! *smiling* Let’s start being productive!

Bigla nalang pumasok sa isip ko si DJ.

Kath: Ay oo nga pala yung boyfriend ko.

Lumabas agad ako ng cr para kunin yung phone ko at ng ma-good morning ko na si DJ. Nagulat nalang ako kasi nasa kwarto ko si kuya at nagulat din ako sa nakita ko sa bed ko.

Kath: DJ? *smiling*

Automatic na lumabas ang pangalan ni DJ sa bibig ko nung may nakita akong bouquet of flowers sa bed ko. May katabi rin yung envelope.

 

Kath: Ano nanaman kaya tong paandar ng lalaking to.

Kinuha ko agad yung envelope….

            Magandang umaga sa aking napakagandang kasintahan! Kamusta ang tulog mo? Ikaw ba ay nakatulog ng mahimbing? Ako ba’y iyong napanaginipan? Kung ako’y iyong tatanungin, hindi kita napanadinipan dahil hindi ako makatulog kakaisip sa iyo. Hindi ko nga talaga kayang mahiwalay sayo binibining Bernardo. Bakit ba naman kasi ako ihihiwalay sa buhay ko, sa aking kalakasan, sa aking kasiyahan? Mapaglarong tadhana. Buti nalang at ito’y bakasyon at pansamantala lamang dahil kung ito’y panghabambuhay ay baka ngayon palang ay pinag lalamayan na ako. Aking minamahal na Kathryn, sana’y napaganda ko ang simula ng iyong araw. Dahil ako, napaganda mo na ang aking araw. Sa pagsilay ko lamang ng iyong mga litrato sa aking telepono, buo na ang araw ko. Pero hindi ko maitatagong ako’y nangungulila na sa iyong prisensya. Gusto ko nang makita ang iyong napakagandang ngiti na nagdadala sa akin sa langit. Ang iyong labi na mas mapula pa sa mga mansanas, ang iyong kamay na mas malambot pa sa unan. Ang iyong buhok na mas mabango pa sa sampaguita, ang iyong matang nagdadala sa akin sa kalawakan. Ikaw, ikaw na rason kung bakit patuloy akong nabubuhay. Sana ay napapangiti kita ngayon dahil bukod sa mahalin ka ng tapat, iyon lamang ang layunin ko sa buhay. Magandang binibini aking hinihiling na ika’y mag ingat sa iyong pupuntahan ngayong araw. Huwag mo akong kalimutang sabihan kung nasaan ka at kung anong ginagawa mo. Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko. Ang kasukdulan ng aking pag-ibig para sa iyo ay hinding-hindi magwawakas. Ako’y sobrang nangungulila na sa iyong prisensya.

 

Nagmamahal sayo ng lubusan,

DANIEL PADILLA

 

Nakangiti lang ako the whole time na binabasa ko yung letter. Itong lalaking to talaga wala nang alam gawin kundi magbuhos ng effort para sa akin.

Kevin: Nakikita mo ba ako?

Behind the ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon