Trust Me Love

92.5K 2.1K 51
                                    

SIYAM

Merry Christmas po!

----------------------------------------------------

"Saan na tayo niyan?" tanong ko sa kanya habang inaalalalayan niya ako paakyat sa  kalesa. Yumuko siya at hinawakan ang kamay ko.

"Sa dagat? Sunset na niyan. Aabot pa siguro tayo." Nakangiti niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko at ngumuso na lamang.

"Please, baka hindi mo naman talaga gustong nanunuod ng sunset. Ayaw kong maobliga ka dahil gusto ko yun." Sabi ko. Chance has been too giving. Wala naman akong kayang ibigay sa kanya kung hindi ang presensya ko.  Baka ginagawa lang niya ito dahil ito ang gusto ko. I don't want him to be bored by my company.

Tiningnan lang niya ako at naglapat ang labi niya. Bigla akong natigil sa pagsasalita dahil nakita ko ang pagkainis niya sa akin.

"What made you think that?" naiinis niyang sabi. Napanganga ako dahil sa galit sa mga salita niya.

"What makes you happy makes me happy too." Seryoso niyang sabi bago ako hinila paupo sa karwahe at pinaandar iyon. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at pinagkrus ang mga daliri naming dalawa.

Madilim na noong makarating kami sa dalampasigan. Hindi na namin naabutan ang sunset pero hindi naman ako nanghinayang. Alam kong meron pa namang bukas at hindi naman mawawala ang araw. Pero nakita kong nanghinayang si Chance doon. Tinapik ko ang braso niya kaya tumingin siya sa akin.

"We can go here tomorrow. Ikaw kasi, kung saan saan mo ako dinadala." Natatawa kong sabi. Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko.

"I have to go back to Manila tomorrow." Aniya. Tiningnan ko siya at hindi ko naintindihan agad ang kabang bigla na lamang bumalot sa akin. Panic started rising. Iiwan niya ako?

Maybe my parents were right. Baka nga talagang pinaglalaruan lang ako ni Chance at hindi seryoso itong kung ano mang mayroon kami.

"I want you to go with me." seryoso niyang sabi. Agad akong napatingin sa kanya.

"But I'm working here."

"You don't have to work. I'll provide for you. Trabaho ko iyon."

Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya. I just met him. Pero heto siya at dinidiktahan na ang buhay ko. I don't fully know him but I just can't trust him now. Hindi ko pa alam kung kaya ko na ba siyang pagkatiwalaan.

"Pack your bags tonight. I'll get you tomorrow morning." Nakangiti niyang sabi. Tumango na lamang ako at hindi na umangal hanggang sa maihatid niya ako sa bahay.

------------------------------------

Maaga akong nagising. Madilim pa man ay mulat na ako. Agad kong binuksan ang aking facetime para makita kung nakaonline ba si Faith. Miss ko na kasi ang kambal at matagal ko na rin silang hindi nakikita.

"Faith!" bati ko sa kaibigan. Ngumiti lamang siya at kumaway sa akin. Agad siyang umalis at kinuha ang kambal.

"Hello po!" sabi ko sa mga bata. Ilang beses kumurap si Sky sa akin at ngumiti. As usual, Faith is emotionless.

"Should I---" naputol ang sasabihin ko noong may nagdoorbell bigla sa aking pintuan. Kahit nagtataka man ay tumayo ako at sumilip sa peephole. Ganun na lang ang gulat ko noong makita ko si Daddy sa labas. Nagmamadali ko iyong binuksan.

"Dad?"

Hindi agad ako nito sinagot. Pumasok siya sa bahay at dumiretsyo sa aking kwarto.

"Pack your bags Daphne. Babalik na tayo sa US." Mariing sabi nito. Hinarangan ko siya at tinanggal ang mga damit kong inilalagay niya sa aking maleta.

"Dad!" nagpapanic kong sabi. Humarap siya sa akin at tinaas niya ang kamay niya. Napapikit ako at hinintay ang gagawin niyang pananampal pero dumako lamang ang kamay niya sa braso ko.

"Anak, please. Just go home with me."

"This is my home Dad. Nandito lahat ng alaala ko." pagpipilit ko. Umiling si Daddy at marahan akong inalog.

"You're memories here are nothing. They're just bullshits. Daphne, go back." madiin ang boses niya. Nakita ko ang takot sa mga mata niya at agad akong kinabahan.

"Dad.."

"I'll come back later. Daphne, please, sumama ka na sa akin." pagmamakaawa nito. Hindi agad ako nakasagot. Iniwan niya ang ticket ko sa lamesa bago ako nilapitan.

"I'm just trying to protect you. We did some horrible things back then Daphne. At ayaw kong ikaw ang magbayad noon para sa amin ng Mama mo. Anak, let's just go back. It will be better if we're not here." Nanginginig niyang sabi. Inayos niya ang buhok ko bago niya hinalikan ang noo ko at tuluyan ng umalis.

---------------------------------------------

"Hey!" nakangiting sabi ni Chance. Ngumiti lamang ako sa kanya. Pumasok siya sa apartment ko atkinuha ang mga gamit ko bago niya iyon inilabas.

"I don't have a place to stay there." Sabi ko sa kanya. Nilingon niya ako bago nagkibit balikat.

"Sa bahay natin Daphne. You'll stay there." Nakangiti niyang sabi. Mabilis niya akong inakbayan bago niya hinalikan ang aking buhok.

"I'm excited to have you again in our house Daphne." Nakangiting sabi ni Chance. Nilingon ko lang siya at pilit na ngumiti.

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Daddy. It is as clear as water. May kinatatakutan siya dito. He doesn't want me to stay here. He is running from something. Pero ano yun? Why can't he tell me the truth? Ano bang tinatago nila?

"May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Chance. Napakurap ako ng ilang beses bago ko siya natingnan ng maayos.

"I'm fine." Sagot ko para mapawi ang pag-aalala niya. Tinitigan lang niya ako bago niya hinawakan ang kamay ko at marahan iyong pinisil.

"I know this is all too new for you. But when I told you that you can trust me, it is true. I won't do anything that will hurt you Daphne. Bago kita saktan, sarili ko muna ang sasaktan ko. You are far too precious for me. May mga bagay pang magulo sa ngayon. I don't know what happened back then. Hindi ko alam kung may mga totoo ba nun, but when I say that you won't go anywhere far from me, I meant it. You will stay here with me. Forever." Madamdamin niyang sabi. Napangiti ako sa narinig.

Assurance. This is what I need now.

"It hurts to even think Daphne. But I can't let you go. I'd rather die ." bulong niya sa akin. Tumango na lang ako at idinikit lalo ang sarili ko sa kanya.

"I love you." Bulong niya. Tiningala ko siya at hinawakan niya ang baba ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Ramdam ko agad ang pagbilis ng tibok ng puso ko noong dahan dahan ng bumaba ang ulo niya papunta sa akin.

He kissed me. With the utmost gentleness. Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"Trust me Love? Everything will be okay." Paninigurado niya. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"I do."

___________________________

Merry Christmas po. :)

*pen<310

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon