Life And Death And In Between

131K 2.5K 114
                                    

THIRTEEN

 

"Your humor really sucks Daphne. Hindi nakakatawa." Inis niyang sabi sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya bago siya hinila palapit. Yumakap siya sa akin.

"Chance.." bulong ko. Naramdaman ko ang panginginig niya.

 

"N-no..no..you can't. Daphne.. oh god.." rinig na rinig ko ang bawat hikbi niya habang lalong humihigpit ang hawak niya sa akin. Para bang ipinapakita niya sa akin kung gaano kalaki ang takot niya na mawala ako sa kanya.

This is the part where being sick sucks. Kailangan mong panuorin maghirap ang mga taong mahal mo dahil lang sa may sakit ka. This is more painful compared to all the medications I went through. Mas masakit dahil alam kong hindi ko naman kayang maibsan lahat ng nararamdaman ni Chance.

"I love you." Bulong ko dito habang hinahagod ko ang likod niya. Lalo siyang pumalahaw ng iyak.  Umiling iling pa siya habang yakap yakap ako.

 

 

"Shut up! Shut up! I don't want to hear it! Ayoko! Stop talking!" sigaw niya. Hinawakan ko siya ng mas mahigpit.

 

"I love you."

 

"Daphne."

 

 

 

"I love you Chance. Look at me." nilayo ko siya sa akin at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Basang basa ang mukha niya ng luha. I kissed his nose and smiled.

 

"I love you. Hindi ako magsasawang sabihin sayo yan. Kahit ilang ulit pa. I want to spend my year telling you how much love I have for you." Nabasag ang boses ko ng sinabi ko iyon. Another batch of tears filled his eyes. Yumuko siya at tahimik na humikbi.

"Ang unfair.." parang batang ninakawan ng kendi na sabi ni Chance. Natawa ako at tumango. I took his hand and played with his fingers.

 

 

 

"I know. Ang unfair nga. Unfair for you. Unfair for me. Unfair for my family and my friends. But we can't do anything about it, can we? It is unfair to everybody Chance. Therefore it is only fair dahil sabay sabay nating nararanasan. Hindi lang ako, hindi lang ikaw. Tayong lahat."

Umiwas siya ng tingin sa akin bago niya pinunasan ang mga luha niya. Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

 

"I can't lose you." Mahinang bulong niya. Pinilit ko siyang tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

 

"I can't even imagine a life without you in it. Pagkatapos, sasabihin mo sa akin that you are about to die? That's bullshit! Isipin ko pa lang.. isipin ko pa lang na mawawala ka..sa akin...I can't hardly breathe." Nanghihinang sabi niya. Huminga siya ng malalim bago natawa.

"Nagplano na ako eh. Kapag kinasal tayo, I'll do everything for you to love me. Para hindi ka na titingin sa ibang lalaki. Para ako na lang. That you will love me so hard and so deeply para hindi mo na ako iwanan. Pagkatapos..shit." hinilamos niya ang kamay niya sa buong mukha niya. Nakagat ko ang labi ko sa nakikita kong sakit sa kanya.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon