Pride and Prejudice

154K 2.7K 129
                                    

TWO

Nanatili lang akong nakaupo sa library. Hindi ko na alam kung gaano na ba ako katagal na nakatitig lang sa sahig. Hindi na dapat ako magulat hindi ba? Kasalanan ko kung bakit siya ganito. Kasalanan ko kung bakit nawala na ang dating siya. Alam kong makapal ang mukha ko pero alam kong ako ang dahilan kung bakit naging ganyan na siya katigas.

Tumayo na ako para sana makalabas ng matamaan ko ang lamesa. Tiningnan ko ito at tuluyan ng tumulo ang luha ko ng makita ko ang isang libro doon. Kinuha ko iyon at niyakap ng mahigpit.

Pride and Prejudice.

Ang unang libro na pinag-awayan namin ni Chance sa Siargao apat na taon na ang nakalilipas.

---------------------------------------

 

 

"And what? You can't live being a photographer Daphne! Pinag-aral ka namin to be an engineer!" mariing sigaw ng Daddy ko sa telepono. Agad kong inilayo iyon sa tenga ko at huminga na lang ng malalim.

 

 

"I love taking pictures Dad."

 

 

"Yeah. As if you can eat them kapag nagutom ka na." sarkastiko niyang sabi. Lumiko ako at pumasok sa susunod na shelf at naghanap ng libro na pwede kong basahin kapag nasa hotel na ako at tapos ng kumuha ng litrato.

 

 

"Daddy.."

 

 

Huminga ito ng malalim. Mukhang nagiging kalmado na ito.

 

 

"All I want is what's best for you Daphne. Bumalik ka na dito." And he ended the call. Binalik ko na lang ang phone ko sa bulsa and started scanning the books there. I was about to get something from Jane Austen when I saw a pair of eyes looking at me at the other side of the shelf. Yumuko lang ako at naglakad pa. But I am still aware of those eyes. Sumusunod pa rin ito sa akin kaya huminto ako at agad na lang humila ng kahit na anong libro at naglakad na paalis.

 

 

"Hi." Salubong ng lalaki sa akin pagkalampas ko sa shelf na pinanggalingan. Nahigit ko ang hininga ko ng makita ko siya. Nakangiti ito sa akin habang pinapasadahan ng kamay niya ang buhok niya. Kinagat niya pa ang labi niya habang nakatitig lang din sa akin. I rolled my eyes at him at nilampasan siya.

 

 

Flirt. Paniguradong isa na namang playboy ito.

 

 

"Sandali lang!" sigaw niya. Napahinto ako sa paglalakad lalo pa at tiningnan siya ng lahat ng tao sa library.

 

 

"What do you want?!" I hissed at him at dumiretsyo sa librarian para hiramin ang libro.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon