Enough

101K 1.9K 117
                                    

UNA

 

 

 

Two years later..

 

 

 

"You still look like shit Chance." Gravity came to me at umupo sa harap ko. Tinitigan niya ako na para bang isa akong malaking question mark. Hindi ko siya pinansin. Patuloy pa rin ako sa paglilinis ng baril ko.

"Kung ganyan lang pala ang dadatnan ko, I should have stayed in Palawan. Tatlong buwan na ako dito pero ni minsan hindi pa kita nakitang ngumiti." Nangalumbaba siya sa harap ko at nginitian ako. Tumaas lang ang sulok ng labi ko sa inasta niya. Hindi pa rin ako nagsalita sa sinabi niya.

Smile? Ako? Ngingiti? Paano? It has been two years, too damn years, pero ganon pa rin ang sakit. Wala pa ring nagbago. I am still stuck. Iniwan ako ni Daphne. Nagpatalo siya. Bumitaw siya sa pangako niya sa akin. Hindi na siya lumaban para sa aming dalawa. Tell me, makakangiti pa ba ako? Sasaya pa ba ako sa ginawa niya?

"Kuya.." Gravity poked my cheeks kaya napatingin ako sa kanya. Lumapit siya sa akin at tiningnan ako sa mata.

"Wag ka nang malungkot." Masuyo niyang sabi. Tumango na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan naming dalawa. Ngumiti lang si Gravity sa akin at tiningnan na ang kanina pa niyang idinodrawing.

Malaki ang pasasalamat ko na nasa tabi ko si Gravity ngayon. Magmula noong bumalik siya, kahit papaano ay nakakalimutan ko ang nangyari sa amin ni Daphne. My sister helps me forget the pain of not having my wife beside me.  Dahil kay Gravity, nakakaya ko pang lumaban. Akala ko noon ay namatay ang kapatid ko dahil sa kapabayaan ko, sinisi ko ang sarili ko dahil sa pagkawala niya. And now, I am happy that she is back.

 

"Namimiss mo siya?" nangulit ulit ang kapatid ko. Ibinaba niya ang sketch pad niyang puro guhit lang at tiningnan ako.

 

"Ang pangit ng drawing mo. Anak ka ba talaga ni Mama?" tukso ko. Ngumuso lang siya sa sinabi ko.

 

"Don't change the topic Kuya. Ano na? Namimiss mo siya?"

Umiling ako. Humigpit ang hawak ko sa baril. Naramdaman ko rin ang paglalim ng hininga ko ng bumukal na naman ang galit sa dibdib ko na matagal ko ring itinago.

 

"Hindi." Matigas kong sabi. Napanganga si Gravity sa sagot ko. Alam ko namang hindi iyon ang ineexpect niyang sasabihin ko. But what should I do? Si Daphne ang umalis. She just left me with a fucking video. Wala siyang karapatan para mamiss ko siya. Siya ang nangiwan, hindi ako.

Tumayo na ako ng hindi na ulit nagsalita si Gravity. Kinuha ko na ang mga baril ko at sumakay sa motor. Pinakiramdaman ko ang hangin na dumadampi sa pisngi ko habang binabaybay ko ang kalsada. Tumigil ako sa isang park at umupo sa swing doon.

Napapikit ako ng maalala ko kung paano ako iniwan ni Daphne. Naalala ko kung gaano naging kasakit iyon sa akin. Pakiramdam ko nalumpo ako. Nawala ang isang parte ng pagkatao ko noong iniwan niya ako.

____________________________

 

"Chance, anak." Tiningnan ko si Mama na nakangiting lumapit sa akin. Itinago ko ang DSLR ni Daphne at hinarap siya.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon