Horizon

127K 3K 175
                                    

WAKAS

Isa na namang Montreal ang natapos. Salamat sa suporta kay Christian Samaniego. :D

-----------------------------

My Mom once told me, the only permanent thing in the world is change. Lahat ng bagay, paglipas ng oras ay magbabago o mawawala. The true measure of a man is not by his wealth, but by his ability in coping up with that change. Noong una ay naniniwala ako doon, up until now.

As I look at the twins, I know I have found another thing more permanent than change. I have found something that even change couldn't change. Magbabago na ang lahat, but my love for them will never fade away.

Bahagyang gumalaw si Sky bago niya kinapa kung nasa tabi niya si Faith. Bahagya siyang dumilat at hinanap ako. Gumapang ako palapit sa kambal at tinapik ang kanilang mga binti. Muling pumikit si Sky at sinubo ang kanyang hinlalaki bago natulog muli.

I sighed. Bumalik ako ngayon sa Siargao at sandaling nanatili rito. Later ay lilipad si Chance papunta dito to celebrate his birthday. And I hope he will like my gift to him. Sana ay hindi siya magwala o magalit dahil sa ginawa kong pagtatago sa kambal. I hope he will be happy.

Mararahang katok ang nagpaalis sa malalim kong iniisip. Agad akong tumayo at binuksan ko ang pintuan. Ganon na lamang ang gulat ko ng makita ko ang magulang ko na nakatayo sa labas ng kwarto ko. Gustuhin ko man silang paalisin, nanaig pa rin ang tamang asal na itinuro nila sa akin. Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pintuan at pinapasok sila.

"What do you need?" malamig kong tanong. Si Daddy ang sumagot. Hinawakan niya muna ang kamay ng Mommy bago ako tiningnan.

"We'll be going back to the States." Seryoso niyang sabi. Kaagad kumulo ang dugo ko sa narinig. How could they think about that?! I won't go back with them!

"I'm staying here. Hindi ko iiwanan si Chance--"

"Alam ko. Kaya nga kami lang ng Mommy mo ang babalik Daphne." Aniya. Natigilan ako at tiningnan lamang silang dalawa. Nakayuko lamang si Mommy at tahimik na lumuluha sa tabi ng Daddy. Alam kong may bumikig sa lalamunan ko ng malaman na aalis na ang mga magulang ko. And a part of me knows that I won't see them again. Sa kapangyarihan ng pamilya ni Chance, hindi malabong hindi ko na sila makita ulit.

Tumalikod ako. "Kailan ang alis ninyo?" tanong ko.

"Sa makalawa. Pumunta lang kami rito para ipaalam sayo." Si Mommy na ang nagsalita. Tumango ako at agad na pinunasan ang luha na tumulo sa mata ko. Oh, I know I shouldn't cry, sila ang mga taong nanakit sa amin ni Chance ng sobra, but they are still my parents. No matter what happens, magulang ko sila.

"Anak.." tawag ni Mommy sa akin. Inayos ko lamang ang sarili ko at hinarap sila. Pulang pula na ang mata ni Mommy sa pag-iyak habang si Daddy naman ay hindi na rin nagsasalita dahil sa pagpipigil sa sarili.

"I know you hate us, hindi ka namin masisisi.." tumigil si Mommy at lumapit sa akin. "But can I please hug you anak?" pagsusumamo niya. Tumango ako at mabilis pa sa alas kwatro ang ginawa niyang pagkabig sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit at sinagot niya iyon. Sunod ko na lamang naramdaman ay ang pagsama ng Daddy sa amin.

"I'm sorry Daphne. Sorry anak." Paulit ulit nilang bulong. Hindi na ako nagsalita. I just let myself be enveloped on the love my parents give me. They may have done something awful before, hindi lang isang beses, but they are not bad persons. Mahal nila ako at hindi ako lalaki ng ganito kung wala sila.

"Daphne anak.." iyak ni Mommy. Ilang beses niyang ibinulong sa akin kung gaano niya ako kamahal. Ako naman ay tumatango na lamang dahil hindi na ako makapagsalita sa sobrang luha.

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon