PROLOGUE

230K 3.1K 61
                                    

The Unwilling Groom

BY: Ace Domingo (HopelessPen)


 

"What?! Pumapayag ka sa kabaliwan na ito?" sigaw sa akin ni Chance. Napayuko na lang ako dala na rin ng lakas ng boses niya.

"C-chance.." nanginginig na tawag ko dito. Ni hindi man lang niya ako tiningnan. Isa isa niyang tinanggal ang mga baril niya sa beywang niya bago ito inilapag sa lamesa.

"How much do you need?" tanong nito habang inaayos ang posas na dala niya.

"Ano?"

"Gusto mong tagalog? Magkano ang kailangan mo?"

"Christian! That's enough." Colton admonished him. Hindi pinansin ni Chance ang kapatid. He just shook his head and smiled grimly.

Nakagat ko ang labi ko sa nakikitang Chance ngayon. He was different. He is not the Chance I met in Siargao ages ago. I ruined him. But I won't give up. I won't give him up.

"If you so badly want her to become a Samaniego, then marry her.  Wag ako ang ipilit ninyo sa babaeng iyan."

Ni hindi man lang niya masabi ang pangalan ko. I looked at him again. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya. Walang saya. Walang galit. Walang sakit. Walang buhay. At kagagawan ko lahat.

 

"H-hindi ko kailangan ang pera ninyo Chance--"

"Weh? I don't believe you." Huminga ito ng malalim ang looked at his family. "Aalis na ako. Call me again when everybody here is in their right mind. I'm out." At naglakad na ito palabas but he stopped when Sir Adam called him.

"Get back here Christian." Malamig nitong sabi. Napatigil si Chance at sumandal sa pintuan.

 

 

"Mahirap bang intindihin? I won't marry that gold digging whore."

Hindi ko na napigilan ang luha ko sa sobrang sakit ng salitang binitiwan niya.

"Christian!" Chloe screamed at nilapitan ako to hand me a tissue. Tinanggap ko iyon at umiyak nang tahimik.

 

"Oh great. Now the waterworks." He muttered. Sir Adam slammed his fist on the table.

"We already gave you ample time Christian. Hinayaan ka naming gawin mo ang gusto mo for almost half of your life! Lumaki ka ng malayo sa amin ni Alhannah pero wala kaming sinabi! We knew you were hurt! We knew you--Christine's gone Chance. Oras na para bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataon na magmahal." Humina ang boses ni Sir Adam at napaupo na.

 

"Do you think this is about Tin?" Chance mocked. Natatawa ang tono nito at napapailing pang tumingin sa mga kapatid niya. Napaangat ang mukha ko dito. He was taking a piece of chocolate from his pocket and peeling it off.

 

"I tried okay. I tried to be happy. And when I thought I can, reality slapped me bigtime. The person who made me so happy after Christine was gone was the same person who made me like this Dad. Kaya wag na ninyong ipilit. Hindi ibig sabihin na masaya lahat ng nasa pamilyang ito, magiging masaya na rin ako. There is always an exemption in the rule." Walang pakialam nitong sabi habang kumukuha ng bagong piraso ng snickers.

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Nanahimik rin ang lahat ng nasa loob. Tiningnan ko lang ito na busy sa pagkain ng chocolate niya.

"May idadagdag pa kayo?" tiningnan niya kami isa isa. Everybody kept quiet and Chance shrugged.

 

"Sige. Permission to leave Sir?" he asked his father pero hindi na niya hinintay pa ang pagsagot nito. Lumabas na si Chance sa library at umalis.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinabol ko na rin siya.

 

"Daphne!" I heard Chloe called me pero hindi ko na ito pinansin. Nakita ko si Chance na pasakay na sa motor niya. Papaandarin na sana niya ito ng tumakbo ako papunta sa harapan nito at humarang.

"Will you just please listen?" I begged. Tinanggal niya ang helmet niya.

"May assignment ako. Tumabi ka na diyan." Malamig nitong sabi at sinubukang paandarin ulit ang motor niya but I didn't budge.

"Chance..please.." nabasag ang boses ko. Tiningnan lang ako ni Chance.

 

"Stop being unreasonable. Walang kinalaman dito ang Daddy mo kaya hindi mo dapat sila pinagsalitaan--"

"You think I am being unreasonable?! Ako pa ngayon ang unreasonable?!" sigaw nito. Napahakbang ako patalikod nang bumaba ito sa motor niya at lumapit sa akin. He grabbed my arm and pulled me against him, crushing my body against his.

"Sinong nang-iwan Daphne? Sinong umalis ng walang sabi sabi? Sinong bumitaw ng walang dahilan? Ako ba? Dahil ako, then oo na! Unreasonable ako. Pero the last time I checked, I was not the one who left. Ikaw. Kaya wag na wag mong ibibintang sa akin na unreasonable ako dahil hindi. Because if there is someone who is unreasonable here, ikaw yun." He hissed. I stared at his cold eyes, hoping that I can see even the smallest hint that the old Chance is still inside him. But I saw nothing. He was gone.

 

"I love you Chance." Bulong ko. Bahagyang lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin at halatang nagulat sa sinabi ko. He looked at me as if I said something very disgusting. Itinulak niya ako and walked back to his motor.

 

"Mahal kita. Please Chance.."

Pero hindi ito lumingon. Basta na lang siya sumakay sa motor nito at pinaharurot na iyon, leaving me full of regret for every what if's and could have's that I wasted.

-------------------------------------------------

TO BE UPDATED WHEN VXV ENDS. ISASABAY KO PO ITO SA ALPHA GIRL AND HOW TO TRAIN A GUY.

*pen<3

The Forgotten Groom (AWESOMELY COMPLETED) #Watty's 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon