Chapter 38- Period?

948 37 7
                                    

Sine Amethyst

Puting kisame at amoy ng alcohol. Yan ang mga bagay na sumalubong sakin pagkagising ko.

Wait, nasa ospital ba ako?

Sh!t! Nahimatay nga pala ako kanina.

Babangon na sana ako pero may naramdaman akong nakahawak sa kanang kamay ko.

Tiningnan ko kung sino yon at nang mapag-alaman kong si Ken ay agad kong binawi ang kamay ko.

Dahil marahas ang naging pagbawi ko sa aking kamay ay nagising ang kaninang natutulog na si Ken.

“Hey babe are you okay? May masakit ba sayo? Masama ba ang pakiramdam mo? Tell me” Tinaasan ko sya ng kilay bilang tugon. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata nya. Wait, pag-aalala? Talaga lang ha?!

“Wow!Babe? Really? Ayaw mo ngang katabi ako diba? Ayaw mong lumalapit ako sayo” Puno ng lamig at tampo kong sagot sa kanya.

May dumaan namang pagsisisi sa mga mata nya.

Pagsisisi? Dapat lang

“Sorry Langga. I'm sorry babe. Magalit ka, sampalin mo ko pero please wag mo naman akong itrato ng ganito. Don't be cold on me babe" His voice is pleading kaya medyo nakunsensya ako.

Pagtingin ko sa kanya ay may mga luha nang namumuo sa mata nya.

“Fine I'll be not cold towards you” Napipilitan kong sabi

Nagulat naman ako dahil bigla nya akong niyakap. “Thank you and I'm sorry for what I did last night. I'm sorry kung may pagkatanga ako. I'm really really sorry” Napakunot naman ang noo ko.

Oo nga't may kasalanan sya pero di naman yon ganon kabigat para humingi sya ng tawad na ganito.

Magsasalita pa sana muli ako pero naramdaman ang parang pagbaliktad ng sikmura ko.

Naitulak ko si Ken at tumakbo ako papunta sa banyo nitong kwarto sa ospital.

Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Ken at ang marahan nyang paghaplos sa likod ko. Binigyan nya rin ako ng tubig na pangmumog.

Nanghihina akong napaupo sa sahig ng cr.

Pinangko naman ako ni Ken at muling inihiga sa hospital bed.

“Are you okay? Wala bang masakit sayo? I already called your doctor” Napatango nalang ako sa kanya habang sya ay parang sira na sinusuri ang kabuuan ko.

“Tigilan mo nga yan Ken” Naiirita kong sabi. Ito ang ayaw ko pag meron ako eh, mabilis akong magalit

“Sorry” Maagap na paghingi nya ng tawad. Umupo ako sa hospital bed at agad naman nya akong inalalayan

“Sorry din babe. Sorry kung maikli ang pasensya ko, ganito talaga ako pag may period eh” Para naman syang di makapaniwala sa sinabi ko. May mali ba don?

Who said that you're on your period? You're pregnant babe! We're having a baby!” Para naman akong pinasabugan bomba sa harapan.

Tulala at di makapaniwala

I'm pregnant? But, there's a blood in my undies this morning.

Is my baby in danger?

Nag-aalala akong napahaplos sa impis kong tiyan

I can't still believe it.

I'm pregnant! I'm having a baby!






Want You Back | FINWhere stories live. Discover now