Chapter 18-Liligawan?

1.3K 44 9
                                    

Sine Amethyst

“May plano ka pa bang papasukin kami?” Napabalik nalang ako sa reyalidad dahil kay Hopie

Wala sa sariling niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto.

“Are you in a relationship?” Di makapaniwalang tanong ko kay Stell at Hopie

They just both smiled at me.

The heck! Paano? Ano bang nangyayari sa mundo? Parang dati lang ay ayaw pa kong samahan ni Hopie sa mall shows at mga concert ng SB19 kung hindi ko pa pipilitin. Then now, susulpot sila sa harapan ko na magkaholding hands pa!

Ilang buwan lang naman akong nawala!

Habang nakain ay lutang pa rin ako. Damn! Seryoso ba 'to? Si Stell at si Hopie na talaga?

“Sine are you sure you're okay? Tuna spread na yang nilalagay mo sa kanin mo”Si Hopie

“Shit” Napamura nalang ako pagtingin ko sa plato ko. Dali dali ko naman itong tinapon sa basurahan.

Pagbalik ko ay agad nag-abot ng plato sakin si Hopie.

“Here, wag ka kasing lutang” Then she lightly chuckled.

Tinanggap ko ang platong binigay nya at kukuha na sana ako ng kanin pero may marahang tumapik sa kamay ko.

"Ako na” Sabi ni Ken. “Sabihin mo sakin pag sapat na yung kanin ha” Wala naman akong ibang nagawa kundi ang tumango.

Kukuha na rin sana ako ng caldereta pero naunahan nya ako. “Just sit right there and I'll serve you” Then sya na ang naglagay ng ulam sa pinggan ko.

“Baka naman subuan mo pa ko” Biro ko

“Pwede naman, gusto mo ba?” Namula naman ako dahil napakaseryoso nya nung sinasabi nya yon.

Felip bakit ka ganyan?!

“Hey nandito pa po kami”  Lalo akong namula nang marealize kong andito lang rin pala si Hopie at Stell na siguradong kanina pa kaming pinapanuod

“Sine Amethyst ang pula mo ah. Don't worry di ko sasabihing kinikilig ka” Pinanlakihan  ko sya ng mata

“Sorrt girl, nadulas eh” That earned a laugh from them. Kahit itong si Ken nakitawa rin!

“Sige Ken tawa pa, akala mo ba ok na tayo?” Pagmamaldita ko pa kay Ken. Pero agad rin naman akong nakonsensya dahil may lungkot akong nakita sa mga mata nya.

Nagprisinta si Stell at Hopie na mag-imis ng pinagkainan naming lahat.

Nasa living room kami ngayon para sa movie marathon. Dahil nga nag-iimis pa sina Stell ay kami lang ni Ken ang nandito.

At guys, real talk ang awkward. We are so silent nang basagin nya ang katahimikan.

"“I'm sorry” Wala pa rin akong kibo pero pinakikinggan ko sya

“I'm sorry kung nasaktan kita noon. Pesensya kung di ko agad nakita yung halaga mo” He paused for a while kaya napatingin ako sa kanya

There are tears forming on his eyes!

Si Ken Suson ng SB19 iiyak sa harapan ko?

“Akala ko noon sasaya ako pag nawala ka. Kaso antanga ko pala! Alam mo kung bakit? Kasi ikaw yung kasiyahan ko pero tinulak ko palayo. Wala eh, hindi ko kayang intindihin noon itong nararamdaman ko.”

“Buti alam mong tanga ka” Di ko maiwasang sabihin

He chuckled because of that. Parang sira lang, umiiyak na tumatawa?

“Alam mo ba noong nakita ko yung balita tungkol sa inyo ng hapon na yon isa lang ang naisip ko.” Tiningnan nya ako diretso sa mata

“Babawiin kita. Babawiin kita sa kanya dahil simula pa lang ay akin ka na”

Parang may mga kabayong naghahabulan sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog

“Sayo ako? Bakit ano ba kita? Boyfriend? Asawa?” Laking pasasalamat ko 'cause I didn't stutter

He just look directly into my eyes with sincerity and determination

“Boyfriend? Asawa? Bakit hindi? Sisiguraduhin kong ako ang makakasama mo hanggang sa tumanda tayong dalawa. Sine Amethyst Stone liligawan kita”

I tried to talk but he put his forefinger into my lips

“Hindi ko hinihingi ang permiso mo, pinapaalam ko lang sayo. Mula bukas makikita mo kung paano dumiskarte ang isang Felip Jhon”

-----_------_------------++-_---_---_----_-

A/N: pinapaalala ko lang pong fanfiction ito

This is my own story at bunga lang ng imagination ko yung mga scenes dito. Kung may mababasa man kayong inappropriate o di nyo nagustuhan ay humihingi na po ako agad ng pasensya.


Enjoy reading!

Want You Back | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon