Chapter 2-Fan lang Ako

1.5K 51 0
                                    

Sine Amethyst

A fan will always be a fan. True fans will stay. Anumang mangyari, kung tunay kang sumusuporta, hindi mo sila susukuan. Iyan ang lagi kong itinatatak sa isip ko.

Siguro sobrang stress o sobrang pagod lang sya that day kaya nasungitan nya ako. Uunawain ko nalang kasi alam kong iyon ang kailangan nila, kailangan nya...isang taong uunawa sa kanya.





“Hopieeee” Hyper na hyper na salubong ko sa bestfriend ko. May nakapaskil pang isang ngiti sa aking muka.

But as expected, hindi man lang ngumiti itong kaibigan ko. “Ay nandito na pala ang babaeng pinaglihi sa anesthesia—manhid”

I just rolled my eyes at her. The super mean bestfriend in the world! Guys, meet Hope Scenery Lavoisier a.k.a Hopie! Ang bestfriend kong mean pero super maasahan at masasandalan.

“You're so mean bessy!” Paawa kong sabi sa kanya. Aba! Inirapan ng ako ng maldita.

“So childish, Sine Amethyst. Umakto ka naman ng sakto sa edad mo. Imagine, the only heiress of GemStone Chain of malls ay ganito umarte! Anong klaseng pagpapanggap ang ginagawa mo pag kaharap ang ibang tao?! How can you deal with the stakeholders? Ang galing mong umarte” Exaggerated na sabi nya.

Kita nyo na? Ang harsh nya diba. Sa mga ka-close ko lang naman ako naarte ng ganito. When I face other people, matured naman akong kumilos. It's just that I'm so comfortable with her kaya hindi ko maiwasang ilabas ang ganitong side ko.

“Hay nako Sine, di ko na alam ang gagawin sayo! Nakita ko yung nangyari noong isang araw. Pinagtatabuyan ka na ni Ken pero sunod ng sunod ka pa rin. Ilang anesthesia ba ang nilaklak mo at parang di mo yon maramdaman?!” Hirap magkaroon ng ganitong bestfriend. Daig pa ang pari kung mag sermon!

“Bes kung fan ka talaga, you'll stay no matter what happen” Napailing naman sya na parang di sang-ayon sa sinabi ko.

Napabuntong hininga nalang ako. Sana naman balang araw ay maintindihan nya rin ako. Sana maintindihan nya kung bakit ganito ako towards SB19.

Napatingin uli ako sa kanya nang magsalita sya.

“Fan? Bakit sigurado ka bang simpleng paghanga pa rin yang nararamdaman mo? Pagmamahal na yan Sine! Don't be stupid! Try to ask yourself, are you really just fan-girling or is it more than that?” Bigla akong napaisip sa mga sinabi nya.

Pagmamahal na nga ba? Fan lang naman ako diba? Isang hamak na fan lang kaya di ko sila puwedeng mahalin na higit pa sa pagmamahal ng isang fan. Hinding hindi. Langit sila, lupa ako. Anlayo ng pagitan namin. I'm just a fan and always be a fan.

I set aside those thoughts. Bumaling ako kay Hope.“Hopie gutom lang yan. Tara nga order na tayo” Pag-iiba ko ng topic.

Ayokong isipin na minamahal ko na nga sya. Kahit na sabihing isa akong tagapagmana, sa mga mata nila ay fan lang ako.

Sana...sana hindi pagmamahal 'tong nararamdaman ko.

Dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko 'pag lumampas sa simpleng paghanga itong nararamdaman ko.

Want You Back | FINWhere stories live. Discover now