Chapter 9-Yuki

1.5K 42 5
                                    


Sine Amethyst

“Alam mo bagay talaga tayo. Imagine our name, you're Sine while I'm Cosine. Seems like we're destined to each other. What if we're really made to be together” Nahampas ko naman si Yuki kaya napatawa sya.

“Wag ako uy! Immune nako dyan sa charms mo. I'm not like the other girls na hahabulin ka no” Then I rolled my eyes at him

“Sus nagbibiro lang naman ako eh. Agang aga beast mode ka agad. Don't be like that Precious” He calls me Precious 'cause my name is a precious stone daw. Daming alam diba?



“Lumayas ka na nga sa opisina ko Yuki! Asikasuhin mo na yung negosyo mo” He's Yuki by the way. He's full name is Cosine Yuki Mirokawa, a Filipino businessman. At itong opisinang sinasabi ko? Well, 1 month after kong dumating dito sa America ay ako na ang tuluyang namahala ng business namin at sa ngayon ay pang-apat na buwan na ng paninirahan ko dito. And si Yuki? Nakasakay ko lang yan sa eroplano....

Flashbacks

I'm crying in the plane. Syempre masakit para sakin ang iwan ang mga taong mahal ko at mas masakit isipan na sya ang dahilan ng pag-alis ko.

Imagine, kailangan ko pang talikuran ang lahat to be able to fix myself. And I need to fix myself 'cause the person I love the most wanted me out of his life.

Habang umiiyak ako ay may taong bigla nalang nagsalita sa tabi ko.

“Brokenhearted kaya aalis ng bansa?”

Napatingin naman ako sa nagsalita sa tabi ko.

“Di ka rin tsismoso no” He just chuckled.

He started at me for a while “You're Sine Amethyst right? The daughter of Onyx Alexander Stone?”

“Oo, bakit may problema?” Feel na feel ko talagang magtaray ngayon. Ganito ba talaga pag nabobrokenhearted?

“Chill, nagtatanong lang naman. I'm Cosine Yuki Mirokawa by the way” Bigla namang nagloading yung utak ko.

Cosine Yuki Mirokawa, sounds familiar.......“Gosh ikaw yung bagong CEO ng Quadtech!”

Nasabi ko nalang nang marealize ko kung sino sya. He just chuckled a bit and the rest is history.

And now, yan parang bestfriend ko na. Minsan nga dito pa yan natutulog sa bahay kahit may bahay namang kanya.




“Precious, spacing out again? By the way sama ka pala sakin mamaya. Be my partner, I'll attend a party later. Be ready, 8 PM sharp susunduin kita” Then he walk away















I'm currently checking myself infront of a life size mirror. I'm wearing a black off shoulder na fitted ang upper part pero flowy yung lower part. It also has a slit from the bottom of my  leg pababa.

Tinernohan ko ito ng black stilleto and gold accessories.

Nang magtext si Yuki na nasa baba na sya ay bumaba na ako.

“Gorgeous as ever” He said the flashed his signature playful smirk.

“Tara na nga mambobola ka lang naman” He opened the car door for me.

“I'm hundred percent sure na bukas ay tayo nanaman ang usap-usapan sa balita. Yuki Mirokawa dating Sine Amethyst Stone, asahan mong isa yan sa mga heading ng balita bukas” Then he shake his head and I just let out a chuckle.

Sigurado. Bakit ba kasi gustong-gusto kaming gawan ng balita ng mga reporters?!

Want You Back | FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon