Chapter 24- Trip to San Pablo

1.2K 40 5
                                    

Sine Amethyst

Days had passed and so far ay okay naman kami.

Rest day ngayon ng SB19 at hiniling ni Ken na sana'y makasama raw nya ako today.

“May gusto ka bang puntahan or gawin?” Ang aga-aga kasi ay nandito agad sya sa condo ko. Para ngang umuwi lang sya para matulog.

Myghad it's just 4 in the morning! Napakaaga diba? May sa manok talaga tong si Suson. Pwede nang panggising sa umaga .

“Ikaw ba may gustong puntahan? Okay lang ako kahit saan basta kasama ka” Napataas naman ang kilay ko sa sagot nya. Di naman sa Hindi ko nagustuhan ang sinasabi nya, tinatago ko lang yung kilig. This is my defense mechanism!

“Ikaw Ken ha, ako ang naunang magtanong tapos ang isasagot mo sakin ay tanong rin” He let out a light chuckle. Gosh bakit ba pati pagtawa nya ay napakasexy pakinggan?


“Baka kasi may gusto kang puntahan. Willing naman akong samahan ka kahit saan. Kahit sa pagtanda pa yan” My walls fall apart. Wala na, hulog nako talaga. Yung mga pader na itinayo ko noon para di sya muling makapasok sa buhay ko ay tuluyan nang nawasak.

I hope this time, ayos na.


“I want to go in Laguna. You want to come?” I asked him with a hint of excitement and happiness in my voice.

“Laguna it is! Go on ang fix your self. At exactly 5:30 ay babyahe na tayo” Nakangiting sabi nya sakin.

Napansin ata nyang medyo natulala pako. “What?” He asked me

“Minsan ka lang kasi ngumiti kaya sinusulit ko na” Tinawanan lang nya ako at pilit nang pinapasok sa kwarto para makapaggayak na.



Laguna here we come!

——

Nasa may Alabang na kami nang tanungin ako ni Ken.

“Saan ba sa Laguna ang gusto mong puntahan?” Oo nga pala, di ko pa nasasabi sa kanya.

“Sa San Pablo” Sagot ko sa kanya pagkatapos ay sinubuan ko sya ng burger. Dumaan kasi kami sa drivethru to buy breakfast. Since he's driving, sinusubuan ko sya para makakain.

“Bakit? Ano bang meron sa lugar na yon?” He asked me with curiosity in his eyes.

“I want to go in San Pablo because I want to see the lakes in there. Sabi kasi nila maraming lake daw don. In fact, San Pablo is called "City of Seven Lakes". May lake pa nga raw na matatagpuan sa kabayanan. Yung tipong di ka na magsususuot sa mala gubat na mga lugar” He just nod. He got my point, I think?

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako kung hindi pako ginising ni Ken.

“Hey Sine wake up. We're in the San Pablo already” Parang magic word naman ang sinabi nya at nagising talaga ako.

“So the first destination is?” He asked me.

“Pandin lake, teka kanina ka pang nagdadrive diba? Ako kaya muna so you can rest” Ilang oras din kasi tong byahe from Manila.

“Don't worry kaya ko pa” Ilang oras pa ay nakarating na kami sa may Pandin. Ipinarada namin ang kotse at tsaka tinahak ang masukal na daan. Medyo tago kasi itong Pandin kaya inuna ko tsaka may kakambal daw ang lawa na ito, ang Yambo.




“Wow this is beautiful” Namamangha kong sabi nang marating namin ang lawa. Para itong lawa sa gitna ng kagubatan. Maraming puno sa paligid at may water lily sa may tabi.

“Yes it is” Rinig kong sabi ni Ken. Tiningnan ko sya at saktong nagtagpo ang aming mga mata.

“I love you” Kahit gaano ko kagustong sagutin ang mga salita nya ay may konting takot pa rin akong nararamdaman na baka iwan nya lang ako.

“Don't worry, I'm already falling. Sana lang handa kang saluhin ako ngayon” Then I smiled at him. Napadako naman ang tingin ko muli sa lawa at nakita kong may mga taong nakasakay sa pinagkabitkabit na kawayan.


“Ken gusto ko ring itry yon” Hinila ko sya papunta doon sa rentahan ata non.

“Manong magkano po yung pagsakay sa ganon?” Sabi ko doon sa mamang nagbabantay sabay turo sa tinutukoy kong bagay.

“Sa balsa ba ineng? 300 lang may kasama na 'yong pagkain” Dudukot sana ako ng pera sa wallet ko nang makita kong nag-abot na sya ng 500 doon sa lalaki.

“Here, just keep the change” Napangiti nalang ako.

Inalalayan nya ako sa pagsakay sa balsa. Pagkatapos non ay tinanaw namin ang Yambo mula dito. Pinuntahan namin ang lima pang lawa. Pagsapit ng alas dos ay bumyahe kami papunta sa Sampaloc lake.

Ito ang pinakamataong lake dahil nasa kabayanan. Napakdali lang puntahan.

Pinark namin ang kotse sa may kapitolyo. Malapit kasi yon dito.

Maganda ang lake kahit pa sabihing matao. Para ngang may dating site sa upper part. Bumaba kami para mas malapit sa lawa kaso ang pag ganitong oras.


“Bakit parang alam na alam mo tong place na to. Have you been here?” Tanong ni Ken sakin habang papunta kami sa Sweet tooth, isang maliit na kainan na nakatayo sa isang tabi ng lake.

“Actually yes kaso bata pako non. 8 or 10 years ago kaso di ko masyado naenjoy kasi yung cathedra at museo de San Pablo lang ang talagang pinuntahan namin” Napatango nalang sya. Di pa talaga dadaldal ang isang to.

“Ken ayaw mo ba talagang magsalita?” Napakatahimik eh.

“Wala lang talaga akong sasabihin. Bakit nabobored ka ba sakin? I'm sorry” Bigla namang lumungkot ang itsura nya.

“Always remember this Ken, kahit kailan hindi ako mabobored sayo. Hinding hindi ako magsasawa sayo kahit napakatahimik mo. It's your personality so bakit babaguhin ko? Minahal kita kahit ganyan ka so you don't need to worry. No need to say sorry also” Nagtaka naman ako kung bakit nakatulala sya. Yung para bang di makapaniwala.

“Y—You l—love me?” Nauutal pang tanong sakin ni Ken.

Inisip ko ang sinabi ko kanina at nang marealize ko ay napatampal nalang ako sa noo ko.

Napaamin pa nga ng wala sa oras. Buhay naman oh!







—————————++++++———

A/N: Hi guys! Meron ba dyang gusto nang makita ang story ni Josh?

Want You Back | FINOù les histoires vivent. Découvrez maintenant