♥ ♥ ♥Chapter 31♥ ♥ ♥

21 2 1
                                    

♥ ♥ ♥Chapter 31♥ ♥ ♥

"They are right time is the key, dahil pagkatapos ng mahabang panahon na realize ko na hindi na ako kayang mahalin ng taong mahal ko."

Selene's POV

5 buwan na ang nakalipas at nakasanayan ko na ang pag lagay ng bulaklak at kape sa opisina ni Rix, hindi narin ako sumasama sa table nila kapag kumakain dahil ayokong masuka sa kalandian ni Allina.

Nakapag desisyon na ako na ngayon na ang tamang panahon para baguhin ko ang buhay ko dahil hindi ako kailan man mamahalin ni Rix at ginagamit niya lang ako.

Kada linggo napasok siya sa kuwarto ko sa madaling araw ng lasing saka niya ako gagamitin at pagkagising wala na siya sa tabi ko at nakay Allina na naman ang atensyon niya.

Kumatok ako sa opisina ni Rix para sana kausapin ko siya sa desisyon kong mag bakasyon, pero walang sumagot kaya binuksan ko ang pintuan at nakita kong walang tao.

Naisip ko na baka nasa kuwarto niya pa ito kaya pumunta ako sa kwarto ni Rix, pagka katok ko ay si Allina ang bumukas.

Hindi na ako nagulat dahil napansin ko narin naman na parehas silang lumalabas sa iisang kuwrto pero hindi ko pa rin maalis ang sakit na nararamdaman ko.

"Andyan ba si Rix?"

"Bakit anong kailangan mo?"mataray na tanong saakin ni Allina sabay irap.

"Kakausapin ko sana sya dahil balak kong umalis nang isang linggo ng ako lang mag -isa."

"Let her in Allina"sabi ni Rix sa loob kaya wala nang nagawa si Allina kundi buksan ang pintuan nakita kong nakaupo lang siya sa higaan ng walang suot pang itaas.

Umupo si Allina sa tabi ni Rix saka yumakap sa braso nito at naka tingin ng masama saakin.

"Balak ko sanang magbaksyon ng ako lang mag-isa dahil wala naman akong ginagawa dito dahil ayaw mong magtrabaho ako at ikaw ang kumuha ng lahat ng company."

Pagkatapos kasi ng pag me-merge ng company siya na agad ang kumuha ng lahat ng trabaho at sinabi nalang sa parents namin na ayaw niya akong mag trabaho dahil gusto niya lang daw akong palagi nag papahinga.

I really can't understand kung paano niya napapaniwala ang lahat ng tao sa paligid niya kahit hindi naman totoo ang sinasabi niya, I mean bakit hindi nalang si naging actor siguro umabot pa siya sa hollywood sa galing niya sa pag acting o kaya naman ay creative writer, magaling kasi siyang gumawa ng kuweto.

"Okay, pero hanggang one week lang at pagkatapos non ay babalik ka na agad dito."

Tumango nalang ako saka lumabas ng kwarto niya dumiretso ako sa kwarto ko saka nag impake at nang matapos ako ay nagpalit ako ng isang leggins at white hoodie saka nag suot ng white nike shoes na binili ko noon para sa birthday ko.

Binulsa ko ang cellphone ko saka tinitigan ang wedding ring na suot ko

Bumaba ako papunta sa kusina kung saan ko nakita si Rix na naka upo sa counter habang inaantay ang pagkain niya ang nag ta-type sa laptop niya.

"Aalis na ako mag papahatid nalang ako kay kuya Ruben." sabi ko saka dire-diretsong lumabas ng bahay.

Pagkalabas ko ay pumunta ako sa gate na kung saan palaging tumatambay si kuya Ruben.

"kuya Ruben pwede po bang mag pahatid sa bahay nila Cris nakapag desisyon na po kasi ako."

"Oo, naman basta pag wala na kayo alalahanin mo parin kami ah?"nakangiting sagot ni kuya Ruben habang kinukuha ang susi sa kotse.

Tumango ako saka pumasok sa loob ng kotse saka kami umalis.

I've decided kahit gaano ko kamahal ang isang tao hindi ako papayag na magpagamit dito, kaya nag desisyon na akong umalis.

I will come back dahil kailangan ko pa ang pirma ni Rix pero that will be the last time I will step in this God forsaken mansion.

Dahil naisip ko na sometimes you have to be happy for someone even if their happiness isn't for you anymore.
                                                                  ~♥~

♥♥♥Yet Another Plastic♥♥♥{COMPLETED}Where stories live. Discover now