♥ ♥ ♥Chapter 27♥ ♥ ♥

22 2 11
                                    

♥ ♥ ♥Chapter 27♥ ♥ ♥

"I thought I'm over her I guess not."

Rix's POV

Nandito ako nag-aantay kay Selene sa gilid ng hagdan habang nakatitig sa mga picture namin kanina sa reception.

Alam ko na ayaw ni Selene ang suot niyang wedding dress, pero kahit anong suotin niya ay bagay sa kaniya.

Honestly, hindi ko alam ang feelings ko para sa kaniya dahil sa sarili ko ayokong aminin na mahal ko pa siya dahil natatakot ako na kapag umamin ako ay masasaktan lang ako ulit.

Akala ko hindi ko na siya mahal akala ko tapos na lahat ng nararamdaman ko sakaniya dahil si Allina na ang mahal ko ngayon pero I can't help but wish na sana...sana mahal niya pa ako.

May naramdaman akong ibang presensiya dito kaya tumingala ako sa pagkakatingin ko sa mga pictures kanina at nakita ko si Selene.

Naka suot lang siya ng hoodie na masyadong maikli para matawag na hoodie at maikling shorts.

Gusto ko siyang yakapin at halikan ng matagal pero pinigilan ko ang sarili ko at nagsalita na lamang.

"What are you wearing?"

Hindi ko talaga alam kung bakit masama ang trato ko kay Selene, I guess na natatakot lang ako na if I let my guard down mamahalin ko ulit siya at ako lang ang masasaktan.

"Umm..... Clothes?"

"Hindi ko alam na ganiyan ka na palang klase ng tao"

Sabi ko saka tumalikod at nagsimula ng maglakad. Alam ko na mali ang sinabi ko pero naiisip ko kasi kung ilang tao pa ang nakakita sakaniya na ganon ang suot.

Naiinis ako na baka may nakauna nang humawak sa mga katawan niya, dahil gusto ko ako lang ang gumawa non.

Ipinakita ko sakaniya kung nasaan ang kitchen, pool, library, gym, garden, movie room, play room, ang kwarto ko at ni Allina, At ang greenhouse saka siya hinatid sa kuwarto niya.

Bumalik ako sa kitchen dahil hindi mawala sa isip ko ang itsura ni Selene at napaka dami ng gusto kong gawin sa kaniya.

Pumunta ako sa counter at saka kinuha ang alak na nakadisplay doon na nakuha ko pa sa Italy.

Kumuha narin ako ng baso saka nagsimulang uminom, nakaka tatlong bote na ako ng mapansin ko ang cellphone ni Selwne na mukhang naiwan niya kanina sa tour.

Muntik na akong matumba sa kalasingan ng tumayo ako sa upuan bitbit ang cellphone ni Selene, dahil balak kong ibalik sakaniya ito.

Nagtungo ako sa pintuan niya at kakatok na sana sa pintuan niya ng marinig kong tumawa siya.

"Ano ka ba ok lang.hahahahahah, opo alam ko po." sabi ni Selene sa kausap niya.

Hindi ko marinig ang boses niya mula rito pero halos sirain ko na ang pinto ng dahan-dahan kong binuksan ang pintuan niya at saka nakita ang lalaking hindi ko kailan man malilimutan.

"ok na Lucas sige see you next week."

"see you next week Paige I love you" nakangiting sabi ni "Lucas" na mas lalong ikinagalit ko.

"hahahahah, sige na I love you too" sabi ni Selene saka binaba ang video call nila.

"Kung siya pala ang mahal mo, bakit ka pa pumayag sa pagpapakasal saakin?" sabi ko na halatang ikinagulat ni Selene dahil muntik na siyang mahulog sa higaan niya.

" Ano ba—"

Hindi na natapos ni Selene ang sasabihin niya dahil naka lapit na ako sakaniya at hinalikan ko siya.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari pero alam ko hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa ginawa ko.

I really believed that I'm over her but I can't help but feel jealous and betrayed when i saw her laughing because of someone that wasn't me and damn that hurt.
                                                                  ~♥~

♥♥♥Yet Another Plastic♥♥♥{COMPLETED}Where stories live. Discover now