♥ ♥ ♥Chapter 12♥ ♥ ♥

23 2 8
                                    

"It doesn't mean I will give you another chance when you say sorry, sometimes sorry is not enough."

Selene's POV

"You're here, finally I missed you babe."sabi ng lalaking paulit-ulit ko nang pinatay sa ulo ko.

"Anong ginagawa mo rito akala ko ba wala na tayo, so bakit nandito ka pa sa bahay ko?"

"Kami ang nagpapasok sakaniya. Bakit may problema ka doon Selene?"sabi ni mommy saka hinalikan sa pisngi si Lucas.

Akala ko kahit kaunti maiintindihan nila ako pero kelan pa ba nila ako naintindihan nung mga panahon na kailangan ko sila wala sila sa tabi ko.

"Hindi ako pumunta dito para makipag away saiyo Selene andito ako para humingi ng tawad at makipagbalikan saiyo, alam kong mahal mo pa ako Selene."

Makapal nga naman talaga ang mukha ni Lucas pagkatapos saga nangyari saamin iniisip niyang papatawarin ko pa siya at mas lalong makikipag balikan sakaniya. NO WAY.

"Sabi ko saiyo Selene dapat kinausap mo muna si Lucas napaka babaw ng pinag aawayan niyo, buti sana kung kayo lang ang dalawa ang mapapahamak, pero sinasama niyo ron ang kompaniya sa pagbagsak niyo."sabi ni Daddy na nasa tabi ni Lucas buong magdamag.

"Hindi na ako makikiapag balikan kay  Lucas kahit siya na ang huling lalake sa buong mundo. Ang ayaw ko sa lahat ay ang sinungaling pero mas ayaw ko ang nag papanggap na mahal nila ako kahit ang habol lang naman nila ay ang pera at kompanya ko."

"Atsaka sinaktan na niya ako ng one time, paano kayo makakasigurado na hindi na niya ako sasaktan ulit?hindi porket minahal kita noon, mahal parin kita ngayon."

"Selene! Bakit ka ba ganiyan alam mo bang mahihirapan tayo kapag hindi kayo kinasal paano magme-merge ang kompaniya natin kung hindi kayo kasal hindi puedwedeng mag merge ang dalawang kompanya ng walang dahilan."sabi ni mommy na nagsisimula nang magalit.

"Kung ang kompanya lang naman ang iniisip niyp, huwag kayong mag-alala ako ang magpapatakbo niyan nakatapos na akong mag-aral ng business and management kaya alam ko kung paano mag manage ng komapaniya."

"pero hindi ibig sabihin non ay tayo agad ang magiging pinakamalakas na kompaniya. Mag papakasal lang naman kayo ni Lucas hindi naman mahirap yon."sabi ni daddy na halatang binabalewala niya lahat ng mga sinasabi ko.

"Kung hindi mahirap yun edi kayo ang mag pakasal kay Lucas ayokong pumasok sa isang loveless marriage at sigurado ako na simula palang noong umpisa hindi ako minahal ni Lucas."

"Bakit mo sinasabi yan hindi mo ba naramdaman na mahal na mahal ka ni Lucas!" sigaw ni mommy pagkatapos niya akong sampalin.

"Kung ang pagmamahal niya ay ipinapakita niya gamit sa paggamit saakin, well ramdam na ramdam ko.....I am well loved!!!!" sigaw ko pabalik at tumalikod papunta sa pintuan.

"Bumalik ka dito Selene!"utos ni daddy sabay hila sa braso ko. Tinanggal ko ang kamay ni daddy at humarap sakaniya"Ayokong makipag usap sainyo kung hindi niyo maintindihan na sinasaktan lang ako ni Lucas! At least ngayon lang magpanggap naman kayong mahal niyo ako."

Umiiyak akong lumabas sa bahay namin.

I guess kahit gaano ka nahihirapan meron paeing mga taong mas pinipili na hindi pansinin ang sakit mong nararamdaman.
                                                                  ~♥~

♥♥♥Yet Another Plastic♥♥♥{COMPLETED}Where stories live. Discover now