♥ ♥ ♥Chapter 26♥ ♥ ♥

21 2 8
                                    

♥ ♥ ♥Chapter 26♥ ♥ ♥

"Even if you hate me I will still love you until I die."

Selene's POV

Andito ako ngayon nakaupo sa bridal car sa front seat habang nasa likod ko nakaupo sila Rix at Allina na kulang nalang magkapalit na ang mga mukha sa sobrang lapit nilang dalawa.

Unfortunately kasama pala namin sa bahay si Allina dahil siya ang girlfriend ni Rix.

Kakatapos lang ng wedding reception kaya pauwi na kami sa bahay na titirhan naming TATLO.

Madami akong nalaman galing kay tita Elle or sabi ng niya Mommy, hindi daw mahilig pumasok sa opisina si Rix kaya sa home office lang siya palagi nagtra-trabaho.

Next week ang merging ng company kaya imbis na COLLINS ang kompaniya nila Rix ay magiging COLLINS AND SMITH co. na ang magiging pangalan nito at ang magiging main company ay kung saan ang dating COLLINS co.

Gusto ng parents namin na gawing bongga ang merging ng company kaya may party na magaganap at kailangan ng partner.

Alam ko na ang magiging partner ni Rix ay si Allina kaya ngayon iniisip ko na kung sino ang isasama ko sa party dahil hindi naman ako pwede mawala doon.

Tumigil ang kotse sa isang malaking gate na kulay black at unti-unti itong bumukas na kota ko agad ang mga bulaklak na nakapalibot sa isang malaking bahay bago ka dumiretso sa harap ng bahay ay may isang malaking fountain.

Malaki ang bahay 3rd floors at kulay white ang pintura dito pero ang pinaka paborito ko sa mga nakikita ko ngayon ay ang backyard na nakatanaw sa dagat at sa forest.

I've always loved nature kasi ako yung tao na mas gusto ang mag isa at tahimik kaysa sa madaming kasama at magulo.

Bumaba sila Rix at Allina kaya sumunod narin ako pumasok sila Rix at Allina sa pintuan habang ako ay hirap na sumusunod sa kanila suot suot ang wedding dress na pinili ni Allina.

I now officially hate these sleeves hindi ko maigalaw ang mga kamay ko kaya hindi ako makasunod sa kanilang dalawa.

Humarap sa gawi ko si Rix at nakita niya akong nahihirapan sa dress.

"Ihahatid na muna kita sa kuwarto mo saka kita bibigyan ng tour sa buong bahay."

Sabi niya saka umakyat sa hagdan, naiirita na talaga ako sa lalaking to kita na ngang nahihirapan ako hindi man lang siya nagdahan-dahan sa pag lalakad.

Nandito kami ngayon sa Second floor at tumigil si Rix sa unang pintuan sa kanang bahagi at binuksan ang pintuan tumambad saakin ang kulay cream na dingding, isang King sized bed, flat screen Tv at dalawang pintuan, that I'm guessing is the bathroom and the walk-in closet.

Binitawan ni Rix ang mga bag na dala niya at sinabihan akong magbihis saka pumunta sa 1st floor para sa tour saka ito lumabas.

Dumiretso ako sa mga bag ko na binitawan ni Rix saka kumuha ng pink hoodiena may slit sa dalawang gilid at mas maikli ang harap na umabot lang sa baba ng pusod ko habang ang likod ay nasa hita ko, kinuha ko rin ang maiksing black cotton short saka dumiretso ako sa Cr.

Hinubad ko ang wedding dress at tinupi ng maayos saka itinabi at isinuot ang hoodie at short hindi ko na isinuot ang hood at tinanggal na ang make-up ko sa mukha at inayos na rin ang buhok ko na tinanggal ko sa elegant bun na tali dito kanina.

Bago ako lumabas ay kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa night stand sa tabi ng kama saka bumaba papunta sa first floor.

Doon nakita ko si Rix na nakasuot lang ng shorts at walang damit pang itaas habang nag se-cellphone.

Hindi ko napigilan ang sarili ko tumingin sa katawan na bakat na bakat ang muscles niya at kitang kita ang six packs niya.

Natauhan lang ako ng makita ko ang matatalim na kulay asul na mata niya.

I wonder if I can be able to give this man everything just for him to love back or will I let him go once again.

Pero kahit anong mangyari isa lang ang alam ko yan ay mahal na mahal ko ang taong ito kahit ano pa ang mangyari.
                                                                  ~♥~

♥♥♥Yet Another Plastic♥♥♥{COMPLETED}Where stories live. Discover now