Chapter 15: Venture

5.2K 144 48
                                    


Isang araw sa isang terrace, "Ngayon naiintindihan ko na bakit dito mo pinalagay terrace niyo" sabi ni Pao. "Syempre dito yung hangin. Para presko sina mama at papa pag nagrerelax. Isa pa pag doon sa harapan ko nilagay manganganib ang buhay ko. Can you imagine the girls and semi girls na pumipila para lang masilayan ako?" sabi ni Enan.

Takip bibig si Anna saka nagpigil ng tawa kaya tinignan siya ni Enan. "Ikaw talaga kunwari ka pa, its okay don't be shy. Be yourself, para maka relax ka ng husto alam ko may gusto ko sa akin. Wag kang mahihiya kasi lahat ng babae may gusto talaga sa akin" landi ni Enan kaya napahalakhak ng husto si Anna saka pinagkukurot si Pao.

"Aray ko, bakit ako ang kinukurot mo? Magsalita ka nga kasi, diba idol mo siya? O yan o kaharap mo na nga nagkakaganyan ka pa" sabi ni Pao. "Idol lang sabi sa iyo para di ka masaktan, sa totoo matindi pagnanasa niya sa akin" hirit ni Enan kaya super halakhak ulit si Anna.

"So pano kayo nag uusap? Sign language?" tanong ni Enan. "Nagsasalita naman ako" sabi ni Anna sa mahinang boses. "O yan naman pala e, sige na since nasimulan mo na, sabihin mo na sa akin na ninanais mo ako. It is okay, sanay na ako. Sobrang dami nagnanais sa akin mula sa buong galaxy"

"Alam niyo ba dapat pito ang Infinity Stone, oo pito talaga yon kaya nga natalo si Thanos e. Kasi pito yon talaga, pag nabuo mo yung pito doon mo lang talaga makukuha yung super power. E malas niya ako yung pang pito" sabi ni Enan kaya halakhakan sina Pao at Anna.

"Oh come on, look at me, hinulma ako mula sa isang bato, excuse me, Infinity Stone, totoo! Kaya look at me, ang dami nagkakagusto sa akin pagkat Intergalactic ang aura ko, huh yan ang mali ni Thanos e. Di kasi nag research mabuti. Well buti nalang hindi or else baka dinamay pa ako" sabi ni Enan.

"Hay naku, so pre..." sabi ni Pao nang may biglang sumulpot. Isang magandang babae at unang tinignan niya ay si Anna. Nagulat si Pao at Anna pagkat ang sama ng titig ng dalaga. "Andoy, sino siya?" tanong ng dalaga sa pagalit na boses.

"Ikang si Pao yan at si Anna" sabi ni Enan. "Maganda siya" sabi ni Ikang. Tumayo si Pao saka inabot kamay niya kaya tumayo din si Anna at tinabig palayo kamay ni Pao kaya nagkatitigan ng husto ang dalawang dalaga.

"Uy Ikang naman, syota ni Pao yan si Anna" sabi ni Enan kaya si Pao nagulat pero sinenyasan siya ni Enan. "Ay oo, she is my girl..girlfriends" sabi ni Pao sabay akbay kay Anna. "Girlfriends? Maniwala ako, parang pinag isipan mo pa ng matagal" sabi ni Ikang.

"Ikang ano ba" reklamo ni Enan. "Hi, ako si Anna" sabi ni Anna saka inabot kamay niya. "Jessica" sagot ni Ikang saka nagkamayan yung dalawang dalaga. "O yan naman pala e" sabi ni Enan. "Di ako maniwala boyfriend mo yan" sabi ni Jessica bigla. "He is not" sagot ni Anna. "Di pa official, pasikreto palang kami kasi bawal pa" sabi ni Pao saka inakbayan ulit si Anna.

Naupo sila lahat, "Sila yung tutulong sa business na balak ko" sabi ni Enan. "Ah talaga? Akala ko yung Pao lang yung magaling na tutulong, e bakit may Anna pa?" tanong ni Ikang. "Tandem sila, ano ba problema mo Ikang?" tanong ni Enan kaya bungisngis si Anna.

Masama ulit titig ni Ikang kay Anna, "Maganda ka" sabi ni Ikang. "Maganda ka din" sagot ni Anna. "Gwapo ka" sabi ni Enan kay Pao kaya biglang nagtawanan yung mga dalaga. "Gwapo ka din" sagot ni Pao saka inabot kamay ni Enan saka sila nag beautiful eyes sa isa't isa.

"Tumigil nga kayo!" sabay na sigaw ng mga dalaga kaya napatigil ang mga binata. "He is not gay" sabay ulit nila bigkas kaya nagtawanan silang dalawa. "Okay fine, pero di ako maniwala magsyota sila" sabi ni Ikang. "Kami talaga" sabi ni Pao saka hinawakan kamay ni Anna kaya si Enan nagpipigil ng tawa.

"Okay, pero ayaw ko don sa balak niyang statement shirts. Grabe you are so baduy. Ang dami na may ganon" sabi ni Ikang kaya napanganga sina Pao at Anna. "We already thought of a marketing plan" sabi ni Pao. "Very witty naman yung mga statements na ginawa niya" sabi ni Anna.

Ultimate WeaponWhere stories live. Discover now