Chapter 19: Tanong

2.2K 78 22
                                    

Chapter 19: Tanong

Isang araw dumalaw si Pao sa bahay nina Anna. Umakyat siya sa second floor terrace pagkat nandon ang dalaga nakatambay. "Pinatawag mo daw ako?" tanong ng binata. "Upo ka" sagot ng dalaga. "Nasan sina tita at bunso?" tanong ni Pao.

"Wala sila, Pao madami ako tanong sa iyo at gusto ko sumagot ka ng maayos" sabi ni Anna kaya nagulat ang binata at napalunok. "Uy ano to? Bakit ganyan napakaseryoso mo naman?" sabi ng binata. "Ano sasagot ka ng maayos o hindi?" tanong ni Anna.

"Anna, uy ano nangyayari sa iyo? Ano mga tanong yan?" tanong ni Pao. "Sinasagot mo tanong ko ng tanong ah, okay umalis ka na" sagot ng dalaga. "Ano ba? Sige sasagot ako" sabi ni Pao. "Talaga mo? Katotohanan lahat dapat" sabi ni Anna. "Oo sige, ano ba mga tanong na yan?" tanong ni Pao.

"Gusto mo tubig? Gusto mo uminom muna?" tanong ni Anna kaya kinabahan na si Pao pagkat seryoso ang toto ng kaibigan niya. "No, sige ask your questions" sagot ng binata kaya si Anna naman ang kinabahan pagkat nag iba na ang mood ng kaibigan niya.

"First question, sino si Cristine?" tanong ni Anna. Nakipag eye to eye ang binata sa kaibigan niya saka ngumiti. "Si Cristine ay mas matanda sa atin. Nagka crush ako sa kanya tapos muntikan na naging kami" sagot ng binata. "Bakit hindi ko alam to?" tanong ni Anna.

"Kasi magkaaway tayo noon" sagot ng binata. "Ah ganon, o bakit di kayo nagkatuluyan? Ha? Baka may chance pa" sabi ng dalaga. "Eventually narealize ko hindi siya ikaw, kaya ano sense ituloy?" sagot ni Pao kaya napataas kilay ang dalaga. "Yan baa ng tunay na rason?" tanong ni Anna.

"Oo, gumawa ako ng paraan para mainis siya sa akin" sagot ni Pao. "Tulad ng ano?" tanong ni Anna. "Tinatawag ko siyang Anna" sagot ng binata kaya natawa bigla ang dalaga. "Ang sama sama mo" sabi niya. "I know, nagsorry naman ako sa kanya. It was the only way to make her stop liking me" sabi ng binata. "Wow ang kapal ng mukha ah" sabi ni Anna. "Ano magagawa ko kung habulin ako" landi ni Pao kaya nagtawanan sila.

"Kapal mo! Grabe ha!" sigaw ng dalaga. "O next question" sabi ni Pao. "O wala na takot ah, kanina takot na takot ka" sabi ng dalaga. "Kasi tapos na hardest question na naisip ko e. Kung ano man susunod na tanong e alam ko madali nalang mga yan" sabi ng binata.

"Don't be too sure" banta ng dalaga. "Bring it on" sagot ng binata. "Okay, ilang suitors ko ang tinakot mo?" tanong ni Anna. "Lahat sila, lahat lahat sila" sagot ng binata kaya pigil tawa ang dalaga. "Diba sinabi ko sa iyo noon na wag mo takutin si Melvin, bakit siya yung tinakot mo ng husto?" tanong ng dalaga.

"Ano sa tingin mo?" sagot ni Pao kaya hinampas siya ng dalaga. "Sagot!" sigaw ni Anna. "Kasi threatened ako sa kanya kaya inunahan ko na siya" sagot ni Pao. "Hhmmm, sinaktak mo ba siya?" tanong ni Anna. "Wala physical, di ko pa nga kinausap, tinignan ko lang ng masama" pasikat ng binata.

"Ininstalk mo kasi e!" sigaw ni Anna. "Coincidence lang, sobrang daming coincidence" sagot ni Pao. "Nagsumbong siya sa akin alam mo ba? Alam mo sinagot ko?" tanong ng dalaga. "Ayaw ko malaman" sagot ng binata. "Okay, sino talaga nanakot sa kanya?" tanong ni Anna. "Ako, sumama lang si Anton para pigilan ako" sabi ni Pao.

"Nung sinabi ko tumigil ka na, tumigil ka na ba?" tanong ng dalaga. "Tumigil saan?" tanong ni Pao. "Alam mo na, yung pinakaayaw ko" sabi ni Anna. "Anna listen, when I told you I stopped I really stopped. Binuwag ko yung samahan namin. I was not their leader pero they looked up to me so parang ganon ang nangyari" sabi ng binata.

"Ha? Ikaw yung leader nila?" tanong ng dalaga. "Sabi ko they look up to me so parang ganon lumalabas pero wala talaga leader don. It was unspoken of" sabi ng binata. "Ikaw talaga leader?" kulit ng dalaga. "Wala nga kami leader" sabi ng binata.

"Kung ikaw pala leader e di sana di kita pinatigil" sabi ni Anna. "Ha? Ano?" tanong ng binata. "E pinapaalis lang naman kita kasi ayaw ko na utusan ka. Kung ikaw pala boss baka hinayaan kita kasi di naman talaga kayo nananakit diba?" sabi ni Anna.

Ultimate WeaponWhere stories live. Discover now